Sobrang dalas ko nang naririnig yan sa iba’t ibang kakilala ko. Weirdo daw ang mga opinyon ko at mga pananaw sa mga diskusyon at usapin tungkol sa sari-saring issue. Maraming pagkakataon daw na weirdo ang mga kinikilos ko sa harap ng maraming tao—halimbawa, sa loob ng simbahan habang nagmimisa hindi ako nakikisabay sa pagdarasal o sa pangungurus. Kapag nalalaman ng ibang tao ang mga uri ng mga binabasa kong libro, o kaya ang mga pelikula at programa sa telebisyon na pinapanood ko, o kaya naman ang mga kanta at iba pang klase ng music na pinapakinggan ko, mabilis nilang nasasabing weirdo ang panlasa ko sa mga ito. At kapag ikwento ko sa iba ang mga kabanata ng buhay ko mula sa aking sanggol na edad hanggang sa kasalukuyang malapit na akong mag 35 years old, nakakarinig pa rin ako ng mga nagsasabi na weirdo ang daan na tinatahak ng buhay ko, at baka maging weirdo din ang kahinatnan nito.
Ako ang unang aamin na tunay ngang comedy yung paulit-ulit pagsabihan ang isang tao na weirdo ang mga katangian niya. Hindi ko mapigilang tumawa kapag mangyari ang ganun sa ibang nilalang. Kaya tuloy, pati sarili ko madalas kong pagtawanan kapag mayroon na namang magsabing weirdo ako. Sa palagay ko, oo, medyo weirdo din siguro yung matawa sa sarili, pero mas okey pa ang hindi masyadong seryosohin ang maraming bagay kesa sa maging pikon at magpalalim ng mga kulubot sa sariling noo. Hindi na nga ako pogi, bakit pa ba ako sisimangot kung lalo lang mawawala sa ayos ang pagmumukha ko.
Isa pang dahilan kaya hindi ako napipikon ay kasi may katotohanan naman ang marami sa mga obserbasyon tungkol sa akin.
Malapit na akong mag 35 years old pero wala pa akong asawa. Kadalasan kapag ganun ang lalake ang unang naiisip ng ibang tao ay baka bakla siya o kaya pari. Madalas nga akong tinatanong kung bakla ba ako kasi hindi naman ako pari. Lagi kong sinasabi na hindi naman din ako bakla. Hindi kayo madalas maka engkwentro ng lalakeng katulad ko na umabot na ng tatlong dekada ang buhay at hindi pa nag-aasawa—pero hindi ako nag-iisa. Ang presidente mismo ng Pilipinas sa kasalukuyang panahon ng pagsusulat ko ng blog na ito ay lalake at wala pang asawa. At mas matanda pa sa akin yun. Ang ating Pambansang Bayani na si Jose Rizal ay umabot din sa gulang na 33 na walang asawa. May mga magsasabing kinasal daw siya kay Josephine Bracken nung mga ilang araw bago siya ipinabaril ng mga Kastila sa Bagumbayan—pero hindi pa ito napapatunayan ng kahit anong dokumento o kasulatan. Maraming babaeng naka-relasyon si Rizal at napakarami niyang naging oportunidad para magpakasal, pero hindi pa rin niya ginawa. Hindi ako nag-iisa, kahit pa kakaunti lang ang mga katulad ko. At hindi sila puro mga bayani o presidente. May ibang prioridad lang sila sa buhay bukod sa pag buo ng pamilya.
Kahit pa ilang mga tao ang magsabi sa akin na ang pagkakaroon ng asawa ay isa sa pinakamahalagang parte ng buhay, hindi pa rin ako masyadong kumbinsido. Marami na akong napagmamasdang mga mag-asawa na dahil sa lalim ng pagkabaon sa mga problema at hinanakit sa isa’t isa ay masasabing lubusang nagkamali ng desisyong magsama nang matagalan. Mapatingin man ako sa kaliwa o sa kanan, nandyan lang sa mga kalapit bahay yung mga mag-asawang nagsisigawan halos gabi-gabi, yung mga nangangaliwa sa isa’t isa, yung mga hindi marunong gumanap sa kanilang mga responsibilidad at sumosobra ang panahong inaalay sa trabaho o sa lakwatsa imbes na bigyang-pansin ang mga pangangailangan ng kapares.
Hindi pa saklaw ng mga nabanggit ko ang lahat ng mga sitwasyon na pwedeng pumagitna sa mga mag-asawa at sumira sa pagsasama nila; marami pang samu’t saring mga posibleng problema ang nandyan lang at naghihintay na biglang lumitaw para gumawa ng mas kumplikadong kaguluhan. Kaya madalas napapatanong ako sa sarili ko: bakit ba milyon-milyong tao ang napakabilis mangako na magtaguyod ng sinasabing “pagsasanib ng dalawang puso’t damdamin” (na may musika pang humuhuni sa background) hanggang sa katapusan ng buhay—pero hindi rin naman tutuparin ang pangako? Mabilis uminit ang dugo ng karamihan sa mga pulitiko na tumatalikod sa mga pangako nila pagkatapos nilang kunin ang tiwala at mga boto natin, pero kahit pa man ganun ay nagagawa pa rin ng iba na sila mismo ang tumalikod sa mga pangako nila sa harap ng altar. Para sa akin weirdo yun. Maaaring isang araw ay mag asawa nga ako; pero pwede namang ipagpaliban yun. Ang importante sa akin ay hindi ako magiging sinungaling.
Hanggang ngayon ay wala pa akong anak. Halos lahat ng mga malapit kong kamag-anak—mga kapatid, pinsan, pangalawang pinsan, kasama na yung iba kong pamangkin—, kahit pa yung mga mas bata pa sa akin, meron nang mga panganay, at yung iba meron na ring mga bunso. Hindi ko sasabihing nagkamali sila ng desisyon, pero hindi ko din sasabihin na naiinggit ako sa kalagayan nila. Malaking responsibilidad ang mag-alaga ng supling, at kahanga-hanga naman ang tao kung akuin ang responsibilidad na ganito.
May napapansin lang ako sa mga taong nagkaka-anak. Dahil sa malawak na sakop ng mga obligasyon nila sa mga anak, nagkukulang sila ng panahon na magbigay tulong sa ibang mga tao na hindi man kasama sa kanilang pamilya ay nangangailangan pa rin kahit kaunting saklolo at suporta. Maaaring merong sumalungat dito sa sinabi kong ito, pero kung titingnan lang kahit ang mga Pinoy—di bale nang isa-alang-alang pa ang mga ibang lahi—, ma-o-obserbahan pa nga na ang mga magulang mismo ay nahihirapan pang i-angat ang estado ng sarili nilang mga pamilya. Paano nga ba naman makakakilos para sa kapakanan ng mga nasa labas ng bahay kung kulang na kulang ang biyaya sa loob? May mga magsasabi na dapat ang kapakanan ng sarili lamang ang isipin at isawalang-bahala na ang iba, at napakaraming kaisipan ang tumatalima sa ganoong pamumuhay. Pero mahirap mang maipaliwanag sa paraang madaling maintindihan, may mga tao din na hindi ganito ang alituntunin at prinsipyo. May mga indibidwal na nagagawang unahin ang kapakanan ng iba bago ang sarili.
Nakakaisip ako ng dalawang kaso kung saan ang pagkawala ng anak ang nagpasibol ng motibasyong tumulong sa iba. Minsan sa aking nakaraang trabaho bilang peryodiko, may na-interbyu ako na Grand Chancellor ng isang sikat na unibersidad. Siya ay nagtayo ng hospisyo para sa mga pasyente ng kanser na may taning na ang buhay. Mura lang ang serbisyo ng hospisyo na ito, at ang kadalasang pinagkakalooban ng mga pasilidad nila ay mga pasyenteng dukha. Ayon sa pilosopiya ng hospisyo, ang bawa’t tao ay may karapatang harapin ang sariling pagpanaw sa paraang may dignidad, matiwasay, at respetable.
Halos lahat ng mga pasyente sa hospisyo ay nasa huling mga sandali nang kanilang buhay, at nasa puntong hindi na mapipigilan ang pagkalat ng kanser sa katawan nila. Hindi man sila magawaran pa ng mas mahabang buhay, kumikilos ang mga mediko ng hospisyo upang siguraduhin na ang mga taon, buwan, linggo, o araw na papalapit sa pagpanaw ng pasyente ay panahon na katanggap-tanggap at maalinsangan para sa pasyente at para sa mga minamahal nito. Kadalasan, ang mga may kanser ay nakakaranas ng sari-saring pisikal na kirot at sakit na mahirap tiisin, at maaaring magpatuloy ang pag-atake ng mga karamdamang ganito nang matagalan.
Nakakabawas sa dignidad ng isang pasyente ang palagiang biktimahin ng mga simtomas ng sakit at pangingirot, kaya hangga’t maaari ay binibigyang-lunas ng mga tauhan sa hospisyo ang mga pangingirot na ito sa pamamamagitan ng mga ligtas na parmasyotiko. Kapag napapanatiling banaag ang pisikal na karamdaman ng pasyente, lalong naiibsan ang lungkot at depresyon nito sa sariling kundisyon, at nakakatulong ang kagaangang ito para maisaayos ng pasyente ang mga gawain niyang pang-araw-araw kahit pa hindi na mapipigilan ang kanyang pagpanaw.
Tumutulong ang hospisyo na ilagay sa mabuti ang mga aspetong pangkabuhayan ng pasyente habang may panahon pa. Kadalasan ay humihiling ng oportunidad ang mga pasyente na makapag-paalam nang maayos sa mga minamahal sa buhay, at kasama nito ay makapag-iwan ng mga huling tagubilin sa mga kamag-anak. Ayon sa Grand Chancellor, ang pagkakataon na makapagpaalam nang matiwasay ay nakakatulong nang malaki upang maging katanggap-tanggap sa pasyente at sa mga mahal niya sa buhay ang nalalabing paglisan ng pasyente. Maraming mga pamilya ang lalong napagbuklod dahil sa mga maayos at mataimtim na pamamaalam ng mga pasyente, at marami ring mga nakalipas na hinanakit at sama ng loob ang napatahimik.
Inilunsad ng Grand Chancellor ang hospisyo sa paniniwalang kakaunti lamang ang mga pasilidad sa Pilipinas na nagbibigay ng ganitong uri ng serbisyo at tulong sa mga taong may taning na ang buhay. Kahit ang mga ospital na mamahalin ay nagkukulang sa masusing pag gabay sa mga pasyente na pumanaw ng may mataas na antas ng dignidad. Alam niya ito nang ganap kasi ang sarili niyang anak ay namatay sa loob ng isang mamahaling ospital. Ang anak niyang babae ay nagkaroon ng “osteosarcoma”, o kanser sa buto—isang uri ng kanser kung saan ang pasyente ay nakakaranas ng pananakit ng katawan at kalamnan na sobrang lubha at kalunos-lunos na hindi daw imposibleng masiraan ng bait ang maysakit dahil lang sa pisikal na simtomas. Ang Grand Chancellor mismo ay naging saksi sa unti-unting pagwasak ng osteosarcoma sa katawan at isipan ng kanyang babaeng anak.
Hindi pa naglaon at pumanaw din ang anak niyang babae. Ang pagtangay ng isang taong malapit sa kanyang damdamin ang nagpukaw ng kanyang simpatiya para sa ibang mga taong nagdurusa sa ilalim ng kahalintulad na kalagayan, mga taong sa isipan niya ay nangangailangan ng suporta, gabay, at tulong. Ang pagbuo niya ng hospisyo ang nagsilbing bantayog ng pagsasapatupad at pagkilos ng kanyang simpatiya. Sa kasalukuyan ay hindi pa rin humuhupa ang kanyang determinasyon na pag-ibayuhin pa ang mga serbisyo ng hospisyo, at makatulong pa sa mas higit na nakararaming nangangailangan. Bagama’t hanggang ngayon ay hindi mawawala ang bakas ng lungkot sa mga mata ng Grand Chancellor tuwing binabanggit niya ang kanyang anak na babae, halatang malaking kaginhawahan din ang nararamdaman niya sa patuloy na operasyon ng hospisyo, dahil paulit-ulit nitong pinadadama sa kanya na hindi nauwi sa walang katuturan ang pagpanaw ng kanyang anak—bagkus ay naging punla pa ito ng marangal na adhikain.
Bukod sa butihing Grand Chancellor, marami pa akong nabalitaang mga indibidwal na nawalan muna ng anak bago namulat ang mga mata sa mas malawak na pananaw, at tsaka lang naliwanagan sa kalagayan ng mas nakararami sa paligid.
Isa pa yung mag-asawang turista na tubong Germany, na nagkataon ay tangan ang kanilang kaisa-isang sanggol na babae nung Disyembre 26, 2004 sa isang beach sa Indonesia. Sa mga hindi nakaka-alala, sa araw na iyon naganap ang tsunami sa Indian Ocean, ang napakapait na trahedyang pumatay ng daanlibong katao sa mga magkakalapit-bansa ng Indonesia, Thailand, at Sri Lanka. Ang tinutukoy ditong mag-asawa ay inanod ng tsunami at hinablot ng tubig-dagat ang kanilang babaeng anak.
Kinailangan nila ng mahabang panahon para maka-ahon muli sa kalungkutan nila, pero sa kabutihang-palad ay nagawa nila ito. Dahil sa pagkawala ng anak, natuon ang atensyon nila sa pagdurusa ng ibang mga pamilyang mas malubha pa ang sinapit—mga pamilyang higit pa sa isang anak ang nasawi, at nawalan pati ng mga bahay, ari-arian, at mga kamag-anak. Nagpasyang magtayo ng isang Foundation ang mag-asawa na hanggang sa kasalukuyan ay nangangalap ng pinansiyal at materyal na tulong para sa karamihan ng mga biktima ng tsunami.
May iba pang mga istoryang pwedeng ikwento na magkakatulad ang pinatunguhan—ang pagkawala ng anak, labis mang nakakalungkot, ang naging ugat ng pagtugon sa pangangailangan ng mas maraming tao. Madalas tuloy napapatanong ako sa sarili ko: kung sakali kayang hindi binawian ng buhay ang mga anak ng mga taong nabanggit sa itaas, magagawa pa kaya nilang ituon ang atensyon sa iba? Ako ang unang aamin na ang ganitong katanungan ay weirdo, at bukod sa ganun ay napakahirap pang sagutin—kaya’t kahit ako mismo ay hindi na magbibigay ng sagot. Ang pagkawala ng anak sa trahedya o sakit ay sinasabing kilos ng Maykapal, at anuman ang maging bunga ay pihong kaalinsunod sa banal na kagustuhan. Pwede din kayang maging sang-ayon sa balak ng Maykapal na lumikha ng motibasyon sa ilang tao na mag-uudyok sa kanilang diretso nang tumulong sa iba kahit pa hindi na magkaroon (o mawalan) ng sariling anak? Sa palagay ko pwede, pero hindi karaniwan. At kung makikita ito sa mga katulad kong hindi naman bakla o pari, baka nga weirdo ang impresyon sa ibang tao.
Pero di ko din mapigilang ma-weirdohan sa kinikilos ng marami pang ibang tao diyan na may anak. Sa totoo lang, ilang daang libong kwento na ang nababatid nating lahat tungkol sa mga kapabayaan sa anak. May mga batang binubugbog, nire-rape, hinahayaang magutom at mamalimos sa kalye, ipinag-ta-trabaho ng mga magulang kahit nasa murang edad pa, pinagkakanuluan ng wastong gabay…hindi na natatapos ang listahan ng katakut-takot na abuso na ginagawa sa milyun-milyong mga bata, hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo.
Dahil sa talamak na ang nakikita nating mga karahasan sa mga bata, madaling mawala sa isipan natin na ang ganitong uri ng abuso ay walang lugar sa tinuturing na “sibilisadong” komunidad. Nariyan ang mga kapitbahay na walang pakundangang minamaltrato ang mga supling, mahirap man sila o mayaman (oo, kahit mga pamilyang mayayaman ay pwedeng-pwede ring magkasala sa mga anak sa napakaraming paraan), pero ang laganap na mga pangyayaring ito ay hindi umuungkat ng malalim na pagkabagabag sa atin. Oo, madali ngang sabihin na ang pagkitil ng buhay ng tao ay krimeng nakaririmarim, pero ang paninira ng kinabukasan ay isa ring uri ng kasalanang malubha, at maaari pa ngang maging kasing-sakim.
Tuwing nakikita ko ang pagdurusa ng mga bata at sanggol, madalas akong napapahiling sa kung anumang Kapangyarihan ang nandyan na sana’y mas marami pa sana ang naging katulad ko na hindi na lang muna sumabak agad sa pagkakaroon ng anak. Kung sa palagay ng marami ay weirdo ako, para sa akin mas weirdo pa rin yung magsilang ng panibagong buhay tapos agad-agaran namang tatalikuran ang mga responsibilidad na hinihingi ng ganung desisyon.
Ang ka-weirdohan ko (daw) ay hindi lang nagiging pokus ng katatawanan. May mga panahon pang nagiging sanhi ito ng galit. Di ko man sinasadya, hindi ko mapigilang sumayad sa mga sensitibong paniniwala at pamantayan kapag minsang nagkakaroon ng malayang diskurso, o palitang-kuro-kuro. Maraming beses na akong hinamak at kinutya. Sinusubukan ko namang laging manatiling mahinahon kahit pa ganoon ang pagtanggap sa mga patalastas ko. Pero madalas din akong nagtataka kung nararapat nga ba talagang itakwil nang mariin sa mga diskusyon ang mga nasa isipan ko.
Isa na sa mga kadalasang salungatin ng iba sa akin ay ang pananaw ko na kasama sa mga pangunahing responsibilidad ng bawa’t isang Pinoy ay ang palagiang pagpunyagi upang gawing progresibo at tanyag ang bansang Pilipinas; na dapat ipagpatuloy ito ng lahat nang walang-sawa upang isang araw ay lampasan pa ng Pilipinas ang mga ibang bansa at tuluyan tayong maging isa sa mga nasyon na gaganap ng malaking katungkulan sa mundo.
Kung humahanga ang karamihan sa atin sa United States o sa Japan (kaunti pa lang kasi sa aking mga kapwa-Pilipino ang nagsisimulang humanga sa China at India) dahil sa pangunguna nila sa ekonomiya, siyensiya, teknolohiya, sports, antas ng pamumuhay ng mga mamamayan nila, at marami pang ibang larangan, dapat abutin din natin ang ganoong estado, at kung maaari pa nga ay lampasan pa ito.
May mga sumasang-ayon sa akin, pero kung ilan man silang ganito, kasingdami din nila—o maaaring mas marami pa—ang mga nagagalit sa konsepto. Ang aking mga salita ay binabara o di kaya ay pilit binubusalan—at minsan pa nga ay inilalarawan bilang hindi-tuwid na pag-iisip, na parang dapat ipatapon na ako sa ospital ng mga sira-ulo. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong sinabihan na huwag nang umasang magkakaroon pa ng positibong pagbabago sa Pilipinas kahit pa sa darating na panahon. Ayaw ko nang bilangin kung ilang beses ko na narinig ang mga salitang “wala nang pag-asa/kinabukasan/magandang mangyayari sa Pilipinas”.
Lungkot na lungkot ako sa dami ng mga sarili kong kababayan na binulag ng paniniwala na ang lupang tinubuan ay di na dapat pag-alayan ng kahit anong pagsisikap upang ma-i-angat ang katayuan nito. Lumilitaw pa nga na mas uso pa ngayon ang pumalaot na lamang sa ibang bansa, at doon magtaguyod ng pamilya at pamumuhay.
Oo, hindi naman ako tatanggi na ang Pilipinas ay isa sa mga dukhang bansa sa mundo, na ang karamihan ng mga Pilipino ay hindi tumatamasa ng maayos na kalidad ng pamumuhay, na ang gobyerno ay sadlak pa rin sa korapsyon at kabaluktutan, na sobrang baba ng antas ng kabuhayan natin kumpara sa ibang mga nasyon kung saan mas maraming oportunidad para magkaroon ng maginhawang buhay. Pero para sa akin hindi iyon mga sapat na dahilan para hindi ayusin at ituwid ang katayuan ng bansa.
Maraming mga Pilipino ang nagmamayabang na epektibo ang diskarte ng lahi natin pagdating sa iba’t ibang mga bagay. Kahit pinaglumaan na ang isang cellphone at may mga sira, pwede pa itong ayusin ng mga Pinoy at pagandahin. May radyo, CD player, o kahit kotse na hindi na maganda ang andar; kinakalikot pa rin natin ito at pinapagana nang parang bago. Ang jeepney daw mismo ay dating sasakyan ng U.S. military nung World War II, at dahil sa diskarte ng Pinoy, nagawa pa itong i-kumbert at gawing sasakyang pampasahero. Sa isang salita, tayong mga Pinoy daw ay maparaan. At ako ay naniniwala nang lubusan dito.
Kaya lang, kung susuriin ang naging kasaysayan natin bilang isang nasyon, ang pagka maparaanin ng Pinoy ay hindi napapatupad para sa pag-ayos ng sarili nating lipunan. At bakit? Sa palagay ko ay hindi kasi tinuro sa atin nang husto ang pagpapahalaga sa sariling bayan eh. Dapat bang ituro ang pagmamahal sa sariling bayan? Aba, oo! Eh yung pagmamahal nga sa Diyos eh tinuturo sa atin palagi simula nung pagkasilang natin eh. Sa palagay ba ng nakararami diyang Pinoy, kapag hindi itinuro sa atin at idinutdot sa utak ang palagiang pagdarasal at pagsimba, eh magagawa pa din natin lagi? Kulang ang pagtuturo sa atin tungkol sa pagpaparangal at pag-alaga sa lupang tinubuan nating lahat.
Nagkamali nang husto ang ilang henerasyon ng mga nakakatandang Pinoy sa larangang ito. Para sa maraming mga matatanda, basta mapalaki mo ang pamilya mo nang maayos at masabing makapag-enjoy ka sa buhay dahil may maganda kang trabaho at lagi kang nagsisimba at hindi lumalabag sa batas ng Diyos ay nagampanan mo na ang layunin ng buhay mo. Hindi masyadong binabanggit sa mga kabataang Pinoy na ang isa pang mahalagang tungkulin nila ay ang kumilos para sa ikabubuti ng bansa.
Ang ibang mga lahi na matatag ba ay tinuturuan ng ganito? Oo naman. Kahit ang mga Kastila, noong panahon na sila pa ang namumuno sa Pilipinas, tinuturuang payabungin ang bansang Espanya—kasabay ng pagtuturo sa kanila na maging mabubuting Katoliko. Ang mga Intsik tinuturuan ng ganyan. Pati na ang mga Hapon. Lalo na ang mga Amerikano, at kahit ang mga Australian (ayon sa sinabi sa akin ng mga nakilala ko dito sa Australia).
Sa Pilipinas, hindi pinagbibigyang-pansin sa edukasyon natin ang pagmamahal sa sariling bayan. Kaya ayan, kapag may nagsabing “Mahal ko ang Pilipinas”, ang litaw niya medyo weirdo. Sa Japan, hindi weirdo ang magsabing “Mahal ko ang Japan!”. Sayang, kasi kung masigasig lang sana ang naging pagturo sa ating mga Pinoy na ang pagpapahalaga sa Pilipinas ay kasama sa mga obligasyon natin, matagal na sigurong umayos ang pamumuhay sa Pilipinas. Biruin mo ba naman, magagamit natin ang diskarte natin at mga abilidad sa paghanap ng paraan para sa pag-unlad ng sariling bayan, hindi lang para sa mga lumang cellphone, mga computer, o sa pag-gamit ng internet.
At hindi naman tayo nagkukulang sa angking kagalingan. Banggitin lang si Manny Pacquiao eh, sasang-ayon ang lahat (kahit mga Pinoy na kriminal). Binago niya ang buong history ng boksing sa buong mundo. Pero bago pa lumitaw si Manny Pacquiao, nandiyan na din si Efren Reyes, na sinasabing pinakamagaling na manlalaro ng bilyar sa buong kasaysayan ng isport na iyon. Para siyang Tiger Woods o Michael Jordan ng bilyar. Isang Pilipino ang tinuturing na Diyos ng isport na bilyar!
Hindi lang sa dalawang isports na iyon naging katangi-tangi ang lahing Pinoy sa buong mundo. Nandiyan pa si Raymundo Punongbayan, ang dating Director ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (o PHIVOLCS), na ginagalang ang karunungan sa iba’t ibang mga ahensiya ng Seismic Sciences sa buong mundo—kahit pa hindi ito alam ng karamihang Pinoy. Si F. Sionil Jose ay isang manunulat na ginagalang sa apat na sulok ng mundo dahil sa mga sinulat niyang mga nobela. Marami pang pwedeng banggitin na mga Pilipinong pinararangalan sa iba’t ibang bansa. Sila ay kasama sa mga gumagalaw at nagpapasulong sa buong mundo, hindi lamang sa Pilipinas.
Kung nagagawa nila ito sa mga larangan nila, hindi naman siguro malayong isipin na marami pang ibang mga Pinoy diyan na naghihintay lang ng oportunidad, tulong, at panghihimok para magpakitang-gilas sa iba pang mga disiplina.
Ganito ako mag-isip, at tinuturing akong weirdo ng maraming mga kapwa-Pinoy. Para sa kanila, ang maging katangi-tangi sa buong mundo ay para lamang sa mga Pinoy na lubhang kakaiba ang “swerte”. Para sa kanila, ang karaniwang Pinoy na pinanganak at pinalaki sa Pilipinas ay maliit lamang ang pag-asang mahanay sa pwesto ng mga dayuhang magagaling at nangunguna sa teknolohiya at siyensya, sa pangangalakal at komersiyo, o kaya sa iba pang mga gawaing nagpapagalaw sa buong mundo. Naniniwala daw sila nang malalim sa kapangyarihan ng Diyos, pero nahihirapan silang magkaroon ng pananampalataya sa ginawad na abilidad ng Diyos sa mga Pilipino.
Lalo pa akong binabara kapag sinabi kong malaki pa rin ang tsansa ng Pilipinas na maging kasing-progresibo at kasing-tatag ng mga bansang First World. Na hindi pa huli ang panahon para maging tulad tayo ng—halimbawa, Singapore. Maaaring isang araw, sa sariling bansa na natin pupunta ang mga dayuhan para maghanap ng trabaho. Baka imbes na probinsyanang Pinay ang gawin mong katulong sa bahay mo, taga-ibang bansa na ang kukunin mo. Baka ang kikitain mong pera sa isang taon ay maaari mo nang gamitin para dalhin ang buong pamilya mo sa Europe, o sa Japan. Baka sa darating na panahon hindi na tayo mahihirapang kumuha ng travelling visa sa mga pasaporte natin at pwede na tayong pumunta sa US, o sa Canada kahit wala tayong pinapakitang “show money”. Baka sa madadatnang Pilipinas ng mga apo mo, magiging tulad tayo ng Australia ngayon na dinadagsa ng iba’t ibang mga lahi galing sa lahat ng sulok ng mundong ibabaw. Kung tayo dati ang nagkukumahog na mag migrate sa ibang bansa para mamuhay doon, baka bumaliktad ang sitwasyon at tayo na ang pupuntahan ng karamihan.
Kung nagawa ng bansang Japan na umahon sa loob ng 20 na taon at maging pangalawang pinakamayamang bansa sa buong mundo—pagkatapos nilang pasabugan ng atomic na bomba nang dalawang beses—, pwede ring gawin ng Pilipinas yun. Gaano ba katagal ang 20 na taon? Di ba ganun din katagal naging presidente si Ferdinand Marcos? Parang mabilis ang panahong nagdaan habang presidente si Marcos, di ba? Hindi dapat maging isang malayong panaginip ang pag-ahon ng Pilipinas. Pwede itong abutin ng isang henerasyon. Pero ang ganitong pag-iisip ay tinuturing na weirdo.
Hindi weirdo para sa mga Amerikano sa US na mag-isip na ayusin ang kalagayan ng bansa nila pagkatapos silang hampasin ng matinding pagbagsak ng ekonomiya nila nung 2008. Hindi din weirdo para sa kanila na subukang bumangon pagkatapos nilang maranasang bungguin ng dalawang dambuhalang eroplano ang dalawang torre ng World Trade Center nila.
Hindi weirdo para sa mga taga India na pakilusin ang karamihan sa mga mamamayan nila para lalong paramihin ang mga Indian na nakakatamasa ng maginhawang buhay. Hindi weirdo para sa mga Intsik sa People’s Republic of China na maki-ayon sa mga reporma upang repasuhin ang ekonomiya ng bansa nila.
Pero pagdating sa Pilipinas, hindi uso yung isiping abutin natin ang pinakamagandang pwedeng makamtan natin bilang isang bansa.
Kahit ilan pa ang argumento na ibato laban sa mga prinsipyo ko, lalo lang akong nagiging masigasig sa pag depensa ng mga ito. Dahil na rin sa matibay kong pakikipagtunggali sa mga kumokontra sa akin, nasasabihan ako na ang mga panukala ko ay sobrang layo sa katotohanan. Ibabanggit sa akin ang napakaraming mga krisis at sakit-panlipunan na pumipigil sa pag-unlad ng bansa. At umaamin naman ako lagi na talaga namang napakalalim ng pagkabaon ng Pilipinas sa mga problema—kumbaga sa isang taong may sakit, dahil sa dami ng sintomas, mahirap nang sabihin kung makaka rekober pa ba ito. Pero mukhang hindi naniniwala ang mga katunggali ko sa kapangyarihang nakapaloob sa salitang pagbabago.
Ang paru-paro ay isang magandang halimbawa ng pagbabago. Batid natin na ang lahat ng mga paru-paro sa paligid ay nanggaling sa mga higad na madalas sinasabing nakakadiri dahil mga uod ito na kadalasan ay butlig-butlig ang buong katawan, at nababalot pa minsan sa malagkit na likido. Kapag pinagmasdan ang pagkamayumi ng lipad ng mga paru-paro, pati na ang likas na kagandahan ng disenyo ng mga pakpak nila, madaling ma-obserbahan na napakalayo nito sa pinanggalingang uod. Kung ang mga higad ay iniiwasan, ang mga paru-paro ay nilalapitan at hinahangaan. Ganito ka-epektibo ang angking milagro ng pagbabago.
Ang pagbabago ng bayang Pilipinas ay laging nandiyan at pwedeng abutin kahit anupamang krisis ang sumapit. Ang importante lamang ay magawa nating mga Pilipino ang pagsakripisyo at pakikipagsapalaran para sa sariling bansa, sa paraang katulad ng ginagawa nating sakripisyo at pakikipagsapalaran para sa mga sarili nating pamilya. Kung sabihin mang weirdo ang ganitong kaisipan, ako lamang ay nagtataka. Kasi ang mga kilala kong mga mamamayan ng ibang mga bansang progresibo (at samakatwid ay mas maganda ang pamumuhay) ay ganito mag-isip tungkol sa mga bansa nila. Siguro lahat sila mga weirdo tulad ko. Ewan ko. Pero sana lang mas dumami pa ang mga Pilipinong ganito din mag-isip.
May magsasabi pa diyan na wala na tayong kailangang baguhin sa pamumuhay nating mga Pinoy, na dapat lang ay ipagpatuloy ang kinagisnang tradisyon na unahin na lamang ang kapakanan ng sariling pamilya at idaan na lamang sa dasal at pagtalima sa relihiyon ang kapakanan ng bansa. Hindi ko na mabilang ang mga pagkakataon na narinig ko ang mga salitang, “Hayaan na nating ang Diyos ang bahalang gumalaw para sa Pilipinas”. At kapag nagsabi na ako ng opinyon ko tungkol diyan, lalu’t lalo pa akong sinasabihang weirdo. Kasi lagi ko daw sinasabi na ang maling interpretasyon ng katungkulan ng relihiyon sa Pilipinas ay isa sa mga dahilan ng hindi natin pag-unlad.
Importante ba ang relihiyon? Aba oo! Tanungin na lamang natin ang mga Hudyo. Ang bansang Israel ay nabuo dahil sa tawag ng relihiyon. Ang pagkakaisa ng mga Hudyo ay sinesemento ng kanilang relihiyon. Ang kanilang relihiyon ang isa sa mga sangkap kaya nila napapanatiling demokratiko at progresibo ang bansa nila. Kung tutuusin pa nga, may mga kakilala akong Kristiyano—kasama na ang ibang mga Pilipino—na namumuhay sa Israel na patuloy na nagagampanan ang mga katungkulan nila para sa Kristiyanismo.
Ngayon, isipin natin ang Saudi Arabia. Marami akong nababatid na mga opinyon na ang bansang ito ay sukdulang nakabaon sa makalumang interpretasyon ng relihiyong Muslim o Islam.
Kapag Kristiyano kang naninirahan sa Saudi Arabia, mahihirapan kang sumamba sa sarili mong pananampalataya. Kailangang sundan mo ang mga ritwal ng mga Muslim doon. Kumbaga, ang hindi tumatalima sa patakarang pang-relihiyon o klerikal ng Saudi Arabia ay mahihirapan nang hustong gumalaw ng may kalayaan sa mga araw-araw na gawain.
Marami akong mga Pilipinong kilala na hindi maganda ang opinyon sa pagpapatupad ng relihiyong Islam sa Saudi Arabia. Magugulat kayo, pero may mga kilala din akong mga Muslim mismo sa ibang bansa na nagsasabing masyadong mapanakal at makaluma ang interpretasyon ng relihiyon sa Saudi Arabia—mga Muslim mismo!
Kung susuriin nga naman kasi nang malalim ang pamumuhay ng mga bansa tulad ng Turkey, Egypt, o Pakistan—na puro mga Muslim din ang karamihan ng mamamayan—, mababatid na mas malaya kumilos ang mga nasa loob ng mga bansang ito kung ihahalintulad sa Saudi Arabia.
Kumbaga, merong “makalumang” interpretasyon ng pagiging Muslim, at merong “makabago”. Sa “makaluma”, mas kakaunti ang mga oportunidad na ginagawad sa mga kababaihan, mas mahigpit ang pagsupil sa paglabag sa mga tradisyon at ritwal. Sa “makabago”, ang uri ng pamumuhay ay hindi malayo sa karanasan ng mga lipunang may ibang relihiyon.
Kumbaga, kung ikumpara mo ang isang pamilyang tubong Pakistan o Egypt sa pamilyang Pinoy, mas marami kang makikitang pagkakapareho kesa sa pagkakaiba. Kung titingnan pa nga ang kasaysayan ng Pakistan, halos magkasabay ang bansang ito at ang Pilipinas na magkaroon ng pinunong babae (si Benazir Bhutto sa Pakistan at si Corazon Aquino sa Pilipinas)—isang bagay na hinding-hindi pa nangyari sa Saudi Arabia.
Marami sasang-ayon sa akin kapag sasabihin kong ang Saudi Arabia ay masyadong makaluma ang pananaw sa relihiyong Islam, at dahil sa ganitong interpretasyon ng relihiyon nila ay hindi nila naaabot ang tamang antas ng kaunlaran, kahit pa di-hamak namang mas mayaman pa sila sa Pilipinas.
Maraming mga Pinoy naman ang nagagalit sa akin kapag sinasabi kong ang interpretasyon ng relihiyon sa Pilipinas ay makaluma rin, at tulad ng nangyayari sa Saudi Arabia, ay nagiging hadlang ito sa pag-unlad, kahit pa hindi naman tayo namumugot ng ulo ng mga kriminal.
Kailan ba sinabi ng relihiyon sa ating mga Pinoy na dapat maging kahanay ng mga nangungunang bansa sa mundo ang Pilipinas? Kailan ba sinabi ng mga kleriko at mga pastor at pari na nasa sariling kamay ng mga Pilipino ang kapabilidad para gawing huwaran at modelo ang bansang Pilipinas para sa ibang mga nasyon, tulad ng pagiging huwaran at modelo ng United States sa atin ngayon? Kahit hindi ko kayo nakikita nang harap-harapan, alam kong maraming mga mambabasa ang matatawa sa ganitong tanong. Hindi naman yata ito dapat mangyari, at hindi naman yata ito nangyayari kahit sa ibang bansa. Pero kung ganito man ang inaakala ninyo, ang history mismo ng Espanya ay makapagpapatunay na kayo ay nagkakamali.
Bakit nga ba nilusob at sinakop ng mga Kastila ang Pilipinas? Bakit nila sinakop ang Timog Amerika? Bakit ba nila sinubukang kamkamin ang iba’t-ibang lupain? Hindi lamang ito bunga ng pagsunod ng military nila sa utos ng kanilang Kamahal-Mahalang Hari o Reyna. Malaking bahagi din ng kanilang misyon ang pagpapalaganap ng relihiyong Katoliko, kahit pa ito ay ipilit sa mga ibang lahi.
Samakatwid, ang mga naging Santo Papa mismo sa Vatican nung mga panahon na iyon ng pananakop ay nagbigay ng basbas sa Espanya mismo upang maging isang malawak na Empire. At bakit pa ba papayag ang Santo Papa sa ganitong kalakaran kung hindi ito kaalinsunod sa mga alituntunin ng relihiyong Katoliko?
Ang relihiyon mismo ng Espanya ay malaking bahagi ng kanilang pananakop sa iba’t ibang lupain, kasama na ang Pilipinas. At kung susuriin nang mabuti ang pamamalakad ng relihiyong Katoliko sa Espanya noon, makikita na ang interpretasyon ng Katoliko sa Espanya nung panahon ng Empire nila ay nag-udyok pa sa mga Kastila na maging lahi ng mga mananakop—upang maging isang lipunan na aktibong sumasali sa pamamalakad ng mundo. Kumbaga, kung iisiping isang bata sa isang classroom ang Espanya noon, isa siya doon sa mga estudyanteng nasa Top Ten.
Ngayon, ang interpretasyon ng relihiyon sa Pilipinas ay ang pagka-banal ng pagiging alipin. Alipin sa “swerte”. Alipin sa “malas”. Alipin sa sakuna, sa sakit, sa kalamidad, sa trahedya, sa problema, sa korapsyon. Hindi naituro ng relihiyon sa bansa natin na umangat tayo sa antas na maunlad at matuwid at maging kagalang-galang sa buong mundo.
Nagawa ba ito ng relihiyon sa ibang bansa? Aba oo. Nagawa ito ng relihiyon sa Israel. Nagagawa ito ng relihiyon sa Japan, kahit pa kalian lang ay binisita na naman sila ng mabigat na pagsubok dahil sa lindol at tsunami. At kahit sa mga bansang Muslim, nagagawa din ito ng relihiyon sa UAE at sa Turkey.
Ang tinuturo ng relihiyon sa ating mga Pinoy ay “ipagpasa-Diyos ang kinabukasan”. Dapat yata baguhin na iyon. Dapat siguro ang ituro na ay “binigay ng Diyos sa bawa’t isang Pinoy ang lahat ng mga oportunidad para mapabuti ang kabuhayan, at kailangan lang ay kumilos tayo para maabot yun”. Imbes na tayo ang maging alipin, mas maganda pa siguro na simulang isipin na tayo ang may hawak ng kapalaran natin.
Marami ba sa atin ang pwedeng maging Pacquiao? Kung hindi man maging pinakamagaling sa buong mundo sa boksing, eh di maging pinakamagaling sa buong mundo na imbentor? O pinakamagaling sa buong mundo na siyentipiko? O pinakamagaling sa buong mundo na inhinyero? O kahit software engineer? O mangangalakal? O doktor? Siguro dapat din gayahin mo ang prinsipyo ni Pacquiao. Maniwala ka sa Diyos, pero gawin mo din ang pakikipagsapalaran at sipagin ang pag-hasa sa iyong mga abilidad. Siguro kung ganito ang ituro sa atin sa araw-araw, matagal nang nabawasan ang pangangailangan ng maraming mga propesyunal sa atin na pumunta pa sa Singapore o sa Hong Kong para maging domestic helper o trabahador.
Marami pa rin ang magsasabi na ang mga prinsipyo ko ay weirdo. Nakakalungkot pa rin, kasi ang mga prinsipyong ito ay nakikita ko ngayon sa kinaluluklukan ko sa Australia. Kung papalitan mo ng “Australia” at “Aussie” ang mga salitang “Pilipinas” at “Pinoy” dito sa blog na ito, baka maisip ninyo na hindi ito kaisipang weirdo. Dahil marami akong mga naoobserbahang mga Aussie na patuloy na nagpupunyagi para pagandahin ang bansa nila. Marami sa kanila ang hindi nag-papamilya agad at inuuna ang kapakanan ng iba. Marami sa kanila ang gustong manguna sa buong mundo sa larangan ng sports, ng siyensiya, ng ekonomiya, ng pulitika, ng teknolohiya, ng medisina, o sa iba pa mang disiplina. Mas uso dito ang maging eksperto na pinakamagaling sa buong mundo—kahit pa ikaw ay magsasaka. At hindi iyon weirdo para sa kanila. Bakit ba kailangang maging weirdo sa atin yun?
Bukas ako sa mga kuro-kuro ng kapwa kong Pinoy. Sigurado pa rin akong marami pa rin ang sasalungat sa akin at tatawagin akong weirdo. Pero ang gusto ko lang naman ay maranasan ng mas marami pang mga Pinoy na kababayan ko ang magandang buhay sa sarili nating lupang tinubuan, at hindi sa labas nito. Kung may mga kauri ako sa ganitong pangarap at hindi tinuturing na weirdo, aba eh di maganda yun. Pero kung tulad ko ay binabansagan ka ding weirdo, huwag kang mag-alala at makikinig pa rin ako sa iyo. Kung ang nag-uumapaw na pagmamahal sa kapakanan ng Pinoy at Pilipinas ay sasabihing weirdo, eh di sana mas dumami pa tayo.
Kataas-Taasan, Kagalang-Galang, At Katarantaduhan
Mga tala ukol sa pamumuhay at karunungan ng Pinoy, kataas-taasan man, kagalang-galang, o lubusang katarantaduhan. Huwag kang kukurap.
Thursday, April 7, 2011
Thursday, August 5, 2010
Nalungkot Ako Sa Hindi Ko Nagawa
Sa palagay ko mas maganda pa din mag Filipino tuwing kailangang magpalabas ng mga saloobin at emosyon na malalim. May mga pagkakataong maganda ang mga emosyong ito at laging nakakasabik na balik balikan. Pero may mga panahong dumarating na nakakalungkot ang bumabaon sa kalooban.
Kapag nangyayari ito, mas madalas sa hindi ay mahirap iwasang bumigat ang katawan at kalamnan, parang bigla na lang may dumagan na isang kaban ng bigas sa mga balikat. Umaabot hanggang binti ang ngawit dahil sa pag titiis sa dinadala, at hanggang sa paglalakad sa kalye, pati ang dalawang paa ay mahirap i-angat sa lupa, tapos pag nagawa nang humakbang ay para namang nakaka yanig ng katawan ang bawa't pag bagsak ng mga ito.
Kinuha Ang Litratong Ito Mula Sa firstake.net
Ang sanhi ng kalungkutan ko ay ang kabiguan kong rumesponde sa isang pakiusap. Ang pinsan kong nag-aaral ng high school ay nanghingi ng tulong sa akin tungkol sa isang mahalagang proyekto sa eskwela. Siya ay kasalukuyang nasa Agusan Del Sur, at nandito naman ako ngayon sa Australia. Dahil sa kapangyarihan ng email, naipaabot niya sa akin ang pakiusap niya kahit pa halos isang karagatan ang agwat ng distansya niya sa akin,
Hindi naman imposibleng gawin ang pinakikiusap ng pinsan ko. Nagbakasakali lang siya na matulungan ko siyang gumawa ng isang talumpati na kailangan niyang bigkasin sa isang kontest. Ang tawag sa kontest ay "The Voice of Philippine Democracy". Sa nasagap kong impormasyon, tinanghal ang kontest nung nakaraang August 5, 2010. May sapat sana akong panahon para makatulong sa pinsan kong humabi ng magandang piyesa. Kaya lang, dumaan ang ilang gabi na sinayang ko ang mga oportunidad, at dumating ang August 4 nang wala pa akong nasusulat ni isang letra. Nakakalungkot--nakakabigat ng katawan.
Kasi, kung iisipin nang mabuti, hindi lang ang pinsan ko ang natalikuran ko, kahit pa hindi sinasadya. Pati yung pagkakataon na maisawalat ko ang tunay kong nararamdaman tungkol sa demokrasya, hindi ko nagawang samantalahin. Importante kasi sa akin ang paksa na iyon. Inisip ko pa noon na baka sa pagtulong ko kay 'insan, maging isang paraan ang pagtalumpati niya para maibahagi sa ibang mga bata--at pati sa ibang mga matatanda--ang mga pananaw ko ukol sa demokrasya sa Pilipinas. At ngayon, yung pagkakataon na iyon ay lumipas na.
Pero hindi naman pwedeng magpatalo sa ganitong klaseng kalungkutan. Masyadong mahalaga ang eksaminasyon ng demokrasya sa Pilipinas para na lang iwanan dahil lang nakaligtaan kong gumawa ng isang piyesang pang talumpati. Hindi ko man nagawang saklolohan ang pinsan ko sa kontest niyang nilahukan, magagawa ko pa din na paratingin sa kanya ang ilang perspektibo tungkol sa demokrasya sa pamamagitan ng sinulat kong ito. Mga natuklasan kong katangian ng demokrasya sa Pilipinas na pwede niyang pagkuhanan ng mga prinsipyo na dadalhin niya buong buhay niya--at hindi lamang gagamiting kasangkapan para lang sumali sa iisang paligsahan. Maiibsan nang husto ang kalungkutan ko kung maka bawi man ako kahit sa ganitong paraan.
Kinuha Ang Litratong Ito Mula Sa http://www.jhu.edu/fsa/constitution.htm
Napakadaling sabihin na "demokrasya" ang pangunahing haligi ng Pilipinas. Pwede pa ngang masabi na kung burahin ang salitang "demokrasya" sa Konstitusyon ng Pilipinas, baka matagal na ring nabura sa mapa ang bansa. Wala nang makikilalang "Republika ng Pilipinas" o "Republic of the Philippines". At kung wala mang Pilipinas, eh di dapat wala nang pinanganak ni isang tao na Pinoy ang tawag sa buong kasaysayan ng sangkatauhan.
Siguradong nakakatawa kung iisipin, pero ganun katindi ang pagkakabalot ng buong bansang Pilipinas sa demokrasya. Kung walang demokrasya, walang Pilipinas. Kailan pa ba nagkaroon ng panahon na tinawag ang Pilipinas na "Communist Republic of the Philippines"? O di kaya ay "Socialist Republic of the Philippines"? Hindi tayo Sosyalista, Komunista, o Pasista, kaya tayo naging "Republic of the Philippines", simula nung nabuo ang bansa natin.
Napakadali ding sabihin na magandang sistema ng gobyerno ang demokrasya, kasi isang uri ito ng pamahalaan kung saan ang kagustuhan ng nakararaming mamamayan ang nasusunod. Ang mayorya ang may kapangyarihan na magsabi kung ano ang tamang gawin at kung ano ang dapat hindi gawin. Kung may isang miyembro mang gumawa ng hindi kanais nais, ang parusa na matatanggap niya ay pinagkaisahan ng nakararami na dapat lamang ipataw sa kanya--kahit pa sa minsanang pagkakataon ay kamatayan ng nagkasala ang kinahahantungan.
Demokrasya. Napakasarap pakinggan. Gobyerno na itinaguyod ng mismong mga mamamayan, upang ma-garantiya na ang mga mamamayan mismo ang makikinabang--hindi yung kakaunting mga miyembro lamang. Laging pinaaalala sa ating mga Pinoy na ang kapakanan ng nakararami ang matayog na layuning pinaglaban natin kaya tayo nag rebelde sa mga Espanyol nung 1896. Kaya tayo nag rebelde sa mga mananakop na Amerikano pagkatapos noon. Kaya tayo nakipagtagisan sa mga Hapon nung World War II. At kaya tayo naglunsad ng People Power Revolution nung 1986.
Kinuha Ang Litratong Ito Mula Sa http://demoskratospeoplepower.blogspot.com/
Mahalaga sa karamihang mga Pinoy ang demokrasya dahil malawak ang kalayaan ng mga mamamayan sa ganitong sistema ng gobyerno. Ang kalayaan ay isang uri ng kapangyarihan. Sinasabing makapangyarihan ang mga mamamayan sa isang demokrasya. Biruin mo, sa Pilipinas ang dali daling batikusin ng gobyerno. Araw araw sa diyaryo, sa radyo, sa telebisyon, sa loob ng mga eskwela, sa loob ng simbahan, sa loob ng mga inuman, sa loob ng mga bahay, bumabalandra sa pandinig nating mga Pinoy ang mga reklamo laban sa mga politiko at opisyal ng gobyerno. Harap harapang pinupuna ng mga mamamayan--ke normal na manggagawa, estudyante, o kaya naman ay mamamahayag at mga prominenteng personalidad--ang alinmang nababatid nilang mga pagkakamali, katiwalian, o pagkukulang ng gobyerno sa pamamahala.
Ang karapatan upang malayang bumatikos, pumuna, at magreklamo laban sa gobyerno ay hindi pwedeng ipawalang-halaga. Hindi pwedeng gawin yan kapag ikaw ay pinanganak sa Saudi Arabia. Pwede kang ipahuli doon, kung hindi ka man patayin, kapag kumontra ka sa gobyerno, kahit sa salita lamang. Sa People's Republic of China, ang mga bumabatikos sa gobyerno ay kaagad ipinakukulong, kahit ba sila ay bumubulong-bulong lang sa katabi. Sa Myanmar, na pinamumunuan ng isang military junta, maraming tao ang nawawala na lang basta nang parang tinangay ng hangin kapag may sinabi kang masama laban sa junta.
Maraming mga gobyerno sa ibang bansa ang hindi nagpapahintulot sa mga tao na magreklamo kahit pa ang mga gobyernong ito mismo ang nagpapahirap sa mga mamamayan nila.

Kinuha Ang Litratong Ito Mula Sa http://www.guardian.co.uk/world/2008/oct/14/saudiarabia-middleeast
Malaki ang kaibahan ng kalagayan nating mga Pinoy sa mga bansang hindi demokratiko. Ang boses ng mga taong nagrereklamo sa Pilipinas ay hinahayaang mapakinggan, kahit pa ang mga sinasabi ay tumutuligsa sa gobyerno. Sagrado ang boses ng mamamayan sa isang demokrasya. Hindi nga ba at ang bansag sa kontest na sinalihan ng pinsan ko ay "The Voice of Democracy"? Ang kapangyarihan ng mamamayan na gamitin ang boses nila para baguhin at pagandahin ang gobyerno ay isa sa mga pinakatanyag na katangian ng demokrasya.
At mukhang tayong mga Pinoy ay palagiang gumagamit ng kapangyarihang ito. Kung meron man tayong magagamit na salitang maglalarawan sa ugali nating mga Pinoy na pumapatungkol sa ating gobyerno, ang salitang iyan ay "reklamador". Mahilig tayong magreklamo tungkol sa kabantutan ng gobyerno sa Pilipinas. Kahit nasa Pilipinas man tayo o nasa labas ng bansa, puro reklamo ang madalas nating binabato sa gobyerno natin. Walang silbi ang mga opisyal. Talamak ang korapsyon. Hindi naipapatupad nang mabuti ang mga batas. Walang hustisya laban sa mga nagkakasala. Ang mga naghihirap at nagugutom ay patuloy na dumadami. Sobrang haba ng listahan ng mga reklamo natin sa gobyerno na hindi ito magkakasya sa isang libro kung talagang iipunin.
Kinuha Ang Litratong Ito Mula Sa http://www.phillyimc.org/en/philippine-airlines-workers-stage-protests-against-labor-department
Kahit pa man naiinis din ang karamihan ng mga Pinoy sa pagiging reklamador natin sa sarili nating gobyerno, hindi din dapat natin isiping tayo lang ang ang tanging demokratikong bansa na reklamador. Hindi nag-iisa ang Pilipinas. Karamihan sa ibang bansang demokratiko ay kumukulo din sa sarili nilang mantika ng mga reklamo at batikos. Marami ring nag ra-rally at nag de-demonstrasyon sa US, sa Canada, sa Japan, at kahit pa dito sa Australia.
Kung tutuusin nga, ang demokrasya ay isang sistema ng gobyerno na hinihikayat ang mga mamamayan na mag-ingay. Kasi sa ganitong pag angat lang ng boses tunay na nagiging epektibo ang kalayaan ng mga tao.
Kinuha Ang Litratong Ito Mula Sa http://newshopper.sulekha.com/philippines-protest_photo_1159194.htm
Kung tutuusin pa nga, ang pag-iingay at pagrereklamo ang kapangyarihan ng mga mamamayan sa isang demokrasya na pinakamadaling gamitin. Alam naman nating lahat na mas madaling magreklamo kesa sa maghanap ng kalutasan sa problema. Kahit kailan pwede mong murahin ang mayor o barangay tanod o pulis o Presidente dahil may ginawa silang mali. Kahit kailan pwede kang mag litanya tungkol sa pagkalugmok ng ekonomiya ng Pilipinas at ang patuloy na pagdami ng mga taong dukha at walang makain.
Pero iilan lang ba ang nangahas na magbigay ng suhestyon para baguhin at lutasin ang mga problemang pinanggagalingan ng mga reklamong iyon? Malaya tayong mag reklamo. Nangangahulugan, malaya din tayong magpatupad ng mga hakbangin para gamutin ang mga problema ng lipunan.
Sa isang demokrasya, tunay ngang malawak at iba't-ibang uri ang kapangyarihan ng mga mamamayan. Sa sobrang dami ng mga kapangyarihan ng mamamayan, sila mismo hindi nila nagagamit ang kabuuan ng mga kapangyarihang iyon.
At ang kapangyarihang mag reklamo ay iisa lamang sa mga pinakaimportanteng karapatan ng mga Pinoy. Meron ding isa pang kasing importante nun. Baka nga mas importante pa. Ito ang karapatan at kalayaan na piliin ang sariling patutunguhan.
Kinuha Ang Litratong Ito Mula Sa http://www.ceburunning.com/tag/ipi/
Ang kalagayan ng iba't ibang tao sa buong mundo ay pwedeng ihalintulad sa isang karera ng takbuhan. Isipin mong isa ka sa mga magsisimula pa lang na tumakbo, at marami kang katabi. Lahat kayo ay nakahelera sa "Starting Line".
Pero kakaiba ang karera na ito. Hindi pare-pareho ang katayuan ninyong mga tatakbo. Ikaw ay parang normal na atleta, kasi naka suot ka ng manipis na damit, tamang uri ng shorts, tsaka tamang uri ng rubber shoes. Pero yung iba mong mga katabi, nakakapagtakang tingnan. Naka tali sila sa mga upuan. Yung iba naman may piring ang mga mata. Pero tatakbo pa rin sila at makikipag-karera.
Kinuha Ang Litratong Ito Mula Sa http://n2guysnsandals.blogspot.com/2010/01/hot-sandal-clad-boys-bound-gagged-tied.html?zx=4b6142149ec475a7
Kinuha Ang Litratong Ito Mula Sa http://www.thewe.cc/weplanet/news/europe/uk_terror_state/blair_wmd_claims.htm#this_is_real/hot-sandal-clad-boys-bound-gagged-tied.html?zx=4b6142149ec475a7
Di ba parang komedy kapag inisip mo? Ito ikaw, walang piring ang mga mata at hindi nakatali sa upuan. Pwedeng pwede kang tumakbo nang walang kahirap-hirap. Itong mga katabi mo, hindi makakita. Hindi makagalaw. Pero nasa karera pa din. Paano kaya sila makakasabay sa pagtakbo mo? Tapos nakita mo na may bubuhat pala sa kanila. Makaka sali sila sa karera, pero hindi dahil sa sarili nilang lakas at kakayanan.
Kinuha Ang Litratong Ito Mula Sa http://www.nzetc.org/tm/scholarly/tei-WH2-2Hom-c19.html
Ganyan ang kaibahan ng demokrasya sa ibang mga gobyerno. Malaya kang gumalaw. Mas kakaunti ang pumipigil sa pagkilos mo. Yung mga taga Myanmar o kaya naman mga taga Saudi Arabia ngayon, hindi sila kasing laya mo na kumilos. Meron silang mga tali sa kamay, sa paa, at may piring sa mata. Gumagalaw din sila, pero hindi sa sarili nilang lakas at kakayanan. Kaya mas kakaunti ang nagagawa nila.
Madaling sabihin na napakasarap pala ng kalagayan nating mga Pinoy dahil malaya tayo. Demokrasya tayo! Pero dapat din nating isipin na ang responsibilidad ng pagiging demokrasya ay napakabigat din. Hindi laging masarap ang sobrang malaya. Marami ring suliranin na nakakabit sa pagiging malaya sa loob ng demokrasya.
Balikan natin ang haka-hakang karera ng takbuhan. Oo nga at hindi ka katulad ng mga katabi mo na hinahadlangan na gumalaw sa sariling lakas. Pero kailangan mo ring tanungin ang sarili mo--kung tatakbo man ako, alam ko ba kung saan dapat ang hahantungan ko?
Iyan ang pinakamabigat na responsibilidad ng mga mamamayan sa isang demokrasya. Sila mismo ang kailangang magtatag ng layunin ng kanilang gobyerno. Hindi kailangang manggaling sa gobyerno ang layuning ito. Ang kapangyarihan na magbuo ng obhetibo ng isang gobyernong demokrasya ay nangmumula sa mga mamamayan mismo.
Kung gobyerno ang nagtatatag ng pinakalayunin ng isang bansa, hindi na ito demokratiko. Ikaw ang tatakbo sa karera, ikaw din ang magsasabi kung saan ang "Finish Line" nito. Samakatwid, ang layunin ng Pilipinas ay dapat manggaling sa mga Pinoy. Hindi sa mga politiko. At iyan ang pinakamahirap na ipatupad na kapangyarihan sa isang demokrasya.
Mas madali kasi sa ating mga Pinoy na sumunod na lang sa utos ng iba. Mahilig tayong magsimba at sumamba sa relihiyon sapagkat may paniniwala tayo na kapag sumunod lang tayo sa utos ng relihiyon ay giginhawa ang buhay natin. Ang relihiyon na mismo ang nagsasabi sa atin kung ano ba talaga ang magandang buhay. Pero iba ang relihiyon sa demokrasya. Ang gobyernong demokrasya ay obligadong sumunod sa kagustuhan ng nakararami. Kung walang malinaw na layunin ang mga mamamayan, hindi din magkakaroon ng layunin ang gobyerno.
At napakahirap magtatag ng layunin para sa sarili. Mahirap akuin ang responsibilidad. Mas madali para sa tao na turuan kung saan ang daan, kesa sa siya mismo ang gagawa ng sariling daan. Para kang gumagawa ng sarili mong paniniwala tungkol sa relihiyon.
Kinuha Ang Litratong Ito Mula Sa http://www.sevrey.com/jed/Jedidiah/millers%20canyon/Jed%2520Miller%2520Canyon.html
Nakakatakot gumawa ng sariling layunin kasi maaari kang magkamali. At kapag nagkamali, kadalasan marami ang nadadamay. At sa kahuli-hulihan, wala kang pwedeng ibang sisihin kundi ang sarili mo. Ikaw at ikaw lamang ang may sala. Magkakaroon ka pa ba kaya ng motibasyon na muling magsimula sa umpisa at sumubok ulit? Totoong napakabigat ng responsibilidad ng pagtatag ng sariling layunin para sa isang buong bansa.
Pero ganito ang hinihingi ng isang tunay na demokrasya. Kung pag-aaralan ang kasaysayan ng bansang Amerika, maaaring sabihin na magagaling ang mga pinuno nila sa gobyerno simula pa nung 17th century hanggang ngayon sa kasalukuyan sapagkat sila ang pinaka makapangyarihang bansa sa buong mundo--at sila ay isang demokrasya. Oo, totoo ngang magagaling ang mga nagpatakbo ng gobyerno nila, pero ang layunin nilang maging pinakamakapangyarihang bansa ay nanggaling sa mga mamamayan nila. Ang mga Amerikano mismo ang nagnais na maabot ng bansa nila ang kinaluluklukan nila ngayon. Sumusunod lang sa kanila ang mga politiko nila.
Ngayon, ating isipin ang demokrasya natin sa Pilipinas. Bakit ba watak-watak ang mga politiko natin? Bakit ba parang hindi nila alam ang dapat na ipatupad para sa mga mamamayan? Bakit kaya hindi nila masabi kung ano ang magiging katayuan ng Pilipinas sa darating na panahon? Bakit iba ang gustong mangyari ng Luzon sa Mindanao?
Siguro kasi tayong mga Pinoy mismo ay magkakaiba din ang layunin. At kapag magkakaiba ang mga layunin natin para sa bansa, ang pagiging demokrasya din natin ang mapipilay. Ang mga Amerikano ang sumagot mismo sa tanong na "Ano nga ba ang layunin ng bansang Amerika?" Dapat tayong mga Pinoy din mismo ang sumagot sa tanong na "Para saan nga ba at ano ang patutunguhan ng bansang Pilipinas?"
Pag nagkapareho ang kasagutan ng karamihang Pinoy sa tanong na iyan, doon lamang siguro mababatid ng bawat Pinoy ang lubus-lubusang kapangyarihan ng isang demokrasya.
Kinuha Ang Litratong Ito Mula Sa http://www.adamdorman.com/preview.php?TableName=wallpapers&image=21
Napakalaking responsibilidad ang pagiging demokrasya. At ang pinakamabigat na responsibilidad ay sa mga mamamayan mismo. Kailangang matapang ang mga mamamayan na gumawa ng desisyon at kumilos para sa desisyong iyon. Hindi naman masamang mag reklamo, basta parisan ito ng galaw.
Kaya ba ng mga Pinoy ang ganito kalaking responsibilidad? Na tayo mismo ang tumahak ng daan at layunin na patutunguhan natin? Eto ngang responsibilidad ko sa pinsan ko, hindi ko nagawa. Yun pa kayang magdala ng responsibilidad para sa isang bansa?
Siguro nga maganda talaga ang demokrasya. Kasi habang walang nakapiring sa mata, habang walang nakapulupot sa mga kamay at mga paa, hangga't kayang kumilos nang walang hadlang, may pag-asa. Huwag mong kakalimutan yan, 'insan. At sana pati tayong lahat ay hindi makalimot.
Kapag nangyayari ito, mas madalas sa hindi ay mahirap iwasang bumigat ang katawan at kalamnan, parang bigla na lang may dumagan na isang kaban ng bigas sa mga balikat. Umaabot hanggang binti ang ngawit dahil sa pag titiis sa dinadala, at hanggang sa paglalakad sa kalye, pati ang dalawang paa ay mahirap i-angat sa lupa, tapos pag nagawa nang humakbang ay para namang nakaka yanig ng katawan ang bawa't pag bagsak ng mga ito.
Kinuha Ang Litratong Ito Mula Sa firstake.netAng sanhi ng kalungkutan ko ay ang kabiguan kong rumesponde sa isang pakiusap. Ang pinsan kong nag-aaral ng high school ay nanghingi ng tulong sa akin tungkol sa isang mahalagang proyekto sa eskwela. Siya ay kasalukuyang nasa Agusan Del Sur, at nandito naman ako ngayon sa Australia. Dahil sa kapangyarihan ng email, naipaabot niya sa akin ang pakiusap niya kahit pa halos isang karagatan ang agwat ng distansya niya sa akin,
Hindi naman imposibleng gawin ang pinakikiusap ng pinsan ko. Nagbakasakali lang siya na matulungan ko siyang gumawa ng isang talumpati na kailangan niyang bigkasin sa isang kontest. Ang tawag sa kontest ay "The Voice of Philippine Democracy". Sa nasagap kong impormasyon, tinanghal ang kontest nung nakaraang August 5, 2010. May sapat sana akong panahon para makatulong sa pinsan kong humabi ng magandang piyesa. Kaya lang, dumaan ang ilang gabi na sinayang ko ang mga oportunidad, at dumating ang August 4 nang wala pa akong nasusulat ni isang letra. Nakakalungkot--nakakabigat ng katawan.
Kasi, kung iisipin nang mabuti, hindi lang ang pinsan ko ang natalikuran ko, kahit pa hindi sinasadya. Pati yung pagkakataon na maisawalat ko ang tunay kong nararamdaman tungkol sa demokrasya, hindi ko nagawang samantalahin. Importante kasi sa akin ang paksa na iyon. Inisip ko pa noon na baka sa pagtulong ko kay 'insan, maging isang paraan ang pagtalumpati niya para maibahagi sa ibang mga bata--at pati sa ibang mga matatanda--ang mga pananaw ko ukol sa demokrasya sa Pilipinas. At ngayon, yung pagkakataon na iyon ay lumipas na.
Pero hindi naman pwedeng magpatalo sa ganitong klaseng kalungkutan. Masyadong mahalaga ang eksaminasyon ng demokrasya sa Pilipinas para na lang iwanan dahil lang nakaligtaan kong gumawa ng isang piyesang pang talumpati. Hindi ko man nagawang saklolohan ang pinsan ko sa kontest niyang nilahukan, magagawa ko pa din na paratingin sa kanya ang ilang perspektibo tungkol sa demokrasya sa pamamagitan ng sinulat kong ito. Mga natuklasan kong katangian ng demokrasya sa Pilipinas na pwede niyang pagkuhanan ng mga prinsipyo na dadalhin niya buong buhay niya--at hindi lamang gagamiting kasangkapan para lang sumali sa iisang paligsahan. Maiibsan nang husto ang kalungkutan ko kung maka bawi man ako kahit sa ganitong paraan.
Kinuha Ang Litratong Ito Mula Sa http://www.jhu.edu/fsa/constitution.htmNapakadaling sabihin na "demokrasya" ang pangunahing haligi ng Pilipinas. Pwede pa ngang masabi na kung burahin ang salitang "demokrasya" sa Konstitusyon ng Pilipinas, baka matagal na ring nabura sa mapa ang bansa. Wala nang makikilalang "Republika ng Pilipinas" o "Republic of the Philippines". At kung wala mang Pilipinas, eh di dapat wala nang pinanganak ni isang tao na Pinoy ang tawag sa buong kasaysayan ng sangkatauhan.
Siguradong nakakatawa kung iisipin, pero ganun katindi ang pagkakabalot ng buong bansang Pilipinas sa demokrasya. Kung walang demokrasya, walang Pilipinas. Kailan pa ba nagkaroon ng panahon na tinawag ang Pilipinas na "Communist Republic of the Philippines"? O di kaya ay "Socialist Republic of the Philippines"? Hindi tayo Sosyalista, Komunista, o Pasista, kaya tayo naging "Republic of the Philippines", simula nung nabuo ang bansa natin.
Napakadali ding sabihin na magandang sistema ng gobyerno ang demokrasya, kasi isang uri ito ng pamahalaan kung saan ang kagustuhan ng nakararaming mamamayan ang nasusunod. Ang mayorya ang may kapangyarihan na magsabi kung ano ang tamang gawin at kung ano ang dapat hindi gawin. Kung may isang miyembro mang gumawa ng hindi kanais nais, ang parusa na matatanggap niya ay pinagkaisahan ng nakararami na dapat lamang ipataw sa kanya--kahit pa sa minsanang pagkakataon ay kamatayan ng nagkasala ang kinahahantungan.
Demokrasya. Napakasarap pakinggan. Gobyerno na itinaguyod ng mismong mga mamamayan, upang ma-garantiya na ang mga mamamayan mismo ang makikinabang--hindi yung kakaunting mga miyembro lamang. Laging pinaaalala sa ating mga Pinoy na ang kapakanan ng nakararami ang matayog na layuning pinaglaban natin kaya tayo nag rebelde sa mga Espanyol nung 1896. Kaya tayo nag rebelde sa mga mananakop na Amerikano pagkatapos noon. Kaya tayo nakipagtagisan sa mga Hapon nung World War II. At kaya tayo naglunsad ng People Power Revolution nung 1986.
Kinuha Ang Litratong Ito Mula Sa http://demoskratospeoplepower.blogspot.com/Mahalaga sa karamihang mga Pinoy ang demokrasya dahil malawak ang kalayaan ng mga mamamayan sa ganitong sistema ng gobyerno. Ang kalayaan ay isang uri ng kapangyarihan. Sinasabing makapangyarihan ang mga mamamayan sa isang demokrasya. Biruin mo, sa Pilipinas ang dali daling batikusin ng gobyerno. Araw araw sa diyaryo, sa radyo, sa telebisyon, sa loob ng mga eskwela, sa loob ng simbahan, sa loob ng mga inuman, sa loob ng mga bahay, bumabalandra sa pandinig nating mga Pinoy ang mga reklamo laban sa mga politiko at opisyal ng gobyerno. Harap harapang pinupuna ng mga mamamayan--ke normal na manggagawa, estudyante, o kaya naman ay mamamahayag at mga prominenteng personalidad--ang alinmang nababatid nilang mga pagkakamali, katiwalian, o pagkukulang ng gobyerno sa pamamahala.
Ang karapatan upang malayang bumatikos, pumuna, at magreklamo laban sa gobyerno ay hindi pwedeng ipawalang-halaga. Hindi pwedeng gawin yan kapag ikaw ay pinanganak sa Saudi Arabia. Pwede kang ipahuli doon, kung hindi ka man patayin, kapag kumontra ka sa gobyerno, kahit sa salita lamang. Sa People's Republic of China, ang mga bumabatikos sa gobyerno ay kaagad ipinakukulong, kahit ba sila ay bumubulong-bulong lang sa katabi. Sa Myanmar, na pinamumunuan ng isang military junta, maraming tao ang nawawala na lang basta nang parang tinangay ng hangin kapag may sinabi kang masama laban sa junta.
Maraming mga gobyerno sa ibang bansa ang hindi nagpapahintulot sa mga tao na magreklamo kahit pa ang mga gobyernong ito mismo ang nagpapahirap sa mga mamamayan nila.

Kinuha Ang Litratong Ito Mula Sa http://www.guardian.co.uk/world/2008/oct/14/saudiarabia-middleeast
Malaki ang kaibahan ng kalagayan nating mga Pinoy sa mga bansang hindi demokratiko. Ang boses ng mga taong nagrereklamo sa Pilipinas ay hinahayaang mapakinggan, kahit pa ang mga sinasabi ay tumutuligsa sa gobyerno. Sagrado ang boses ng mamamayan sa isang demokrasya. Hindi nga ba at ang bansag sa kontest na sinalihan ng pinsan ko ay "The Voice of Democracy"? Ang kapangyarihan ng mamamayan na gamitin ang boses nila para baguhin at pagandahin ang gobyerno ay isa sa mga pinakatanyag na katangian ng demokrasya.
At mukhang tayong mga Pinoy ay palagiang gumagamit ng kapangyarihang ito. Kung meron man tayong magagamit na salitang maglalarawan sa ugali nating mga Pinoy na pumapatungkol sa ating gobyerno, ang salitang iyan ay "reklamador". Mahilig tayong magreklamo tungkol sa kabantutan ng gobyerno sa Pilipinas. Kahit nasa Pilipinas man tayo o nasa labas ng bansa, puro reklamo ang madalas nating binabato sa gobyerno natin. Walang silbi ang mga opisyal. Talamak ang korapsyon. Hindi naipapatupad nang mabuti ang mga batas. Walang hustisya laban sa mga nagkakasala. Ang mga naghihirap at nagugutom ay patuloy na dumadami. Sobrang haba ng listahan ng mga reklamo natin sa gobyerno na hindi ito magkakasya sa isang libro kung talagang iipunin.
Kinuha Ang Litratong Ito Mula Sa http://www.phillyimc.org/en/philippine-airlines-workers-stage-protests-against-labor-departmentKahit pa man naiinis din ang karamihan ng mga Pinoy sa pagiging reklamador natin sa sarili nating gobyerno, hindi din dapat natin isiping tayo lang ang ang tanging demokratikong bansa na reklamador. Hindi nag-iisa ang Pilipinas. Karamihan sa ibang bansang demokratiko ay kumukulo din sa sarili nilang mantika ng mga reklamo at batikos. Marami ring nag ra-rally at nag de-demonstrasyon sa US, sa Canada, sa Japan, at kahit pa dito sa Australia.
Kung tutuusin nga, ang demokrasya ay isang sistema ng gobyerno na hinihikayat ang mga mamamayan na mag-ingay. Kasi sa ganitong pag angat lang ng boses tunay na nagiging epektibo ang kalayaan ng mga tao.
Kinuha Ang Litratong Ito Mula Sa http://newshopper.sulekha.com/philippines-protest_photo_1159194.htmKung tutuusin pa nga, ang pag-iingay at pagrereklamo ang kapangyarihan ng mga mamamayan sa isang demokrasya na pinakamadaling gamitin. Alam naman nating lahat na mas madaling magreklamo kesa sa maghanap ng kalutasan sa problema. Kahit kailan pwede mong murahin ang mayor o barangay tanod o pulis o Presidente dahil may ginawa silang mali. Kahit kailan pwede kang mag litanya tungkol sa pagkalugmok ng ekonomiya ng Pilipinas at ang patuloy na pagdami ng mga taong dukha at walang makain.
Pero iilan lang ba ang nangahas na magbigay ng suhestyon para baguhin at lutasin ang mga problemang pinanggagalingan ng mga reklamong iyon? Malaya tayong mag reklamo. Nangangahulugan, malaya din tayong magpatupad ng mga hakbangin para gamutin ang mga problema ng lipunan.
Sa isang demokrasya, tunay ngang malawak at iba't-ibang uri ang kapangyarihan ng mga mamamayan. Sa sobrang dami ng mga kapangyarihan ng mamamayan, sila mismo hindi nila nagagamit ang kabuuan ng mga kapangyarihang iyon.
At ang kapangyarihang mag reklamo ay iisa lamang sa mga pinakaimportanteng karapatan ng mga Pinoy. Meron ding isa pang kasing importante nun. Baka nga mas importante pa. Ito ang karapatan at kalayaan na piliin ang sariling patutunguhan.
Kinuha Ang Litratong Ito Mula Sa http://www.ceburunning.com/tag/ipi/Ang kalagayan ng iba't ibang tao sa buong mundo ay pwedeng ihalintulad sa isang karera ng takbuhan. Isipin mong isa ka sa mga magsisimula pa lang na tumakbo, at marami kang katabi. Lahat kayo ay nakahelera sa "Starting Line".
Pero kakaiba ang karera na ito. Hindi pare-pareho ang katayuan ninyong mga tatakbo. Ikaw ay parang normal na atleta, kasi naka suot ka ng manipis na damit, tamang uri ng shorts, tsaka tamang uri ng rubber shoes. Pero yung iba mong mga katabi, nakakapagtakang tingnan. Naka tali sila sa mga upuan. Yung iba naman may piring ang mga mata. Pero tatakbo pa rin sila at makikipag-karera.
Kinuha Ang Litratong Ito Mula Sa http://n2guysnsandals.blogspot.com/2010/01/hot-sandal-clad-boys-bound-gagged-tied.html?zx=4b6142149ec475a7Di ba parang komedy kapag inisip mo? Ito ikaw, walang piring ang mga mata at hindi nakatali sa upuan. Pwedeng pwede kang tumakbo nang walang kahirap-hirap. Itong mga katabi mo, hindi makakita. Hindi makagalaw. Pero nasa karera pa din. Paano kaya sila makakasabay sa pagtakbo mo? Tapos nakita mo na may bubuhat pala sa kanila. Makaka sali sila sa karera, pero hindi dahil sa sarili nilang lakas at kakayanan.
Kinuha Ang Litratong Ito Mula Sa http://www.nzetc.org/tm/scholarly/tei-WH2-2Hom-c19.htmlGanyan ang kaibahan ng demokrasya sa ibang mga gobyerno. Malaya kang gumalaw. Mas kakaunti ang pumipigil sa pagkilos mo. Yung mga taga Myanmar o kaya naman mga taga Saudi Arabia ngayon, hindi sila kasing laya mo na kumilos. Meron silang mga tali sa kamay, sa paa, at may piring sa mata. Gumagalaw din sila, pero hindi sa sarili nilang lakas at kakayanan. Kaya mas kakaunti ang nagagawa nila.
Madaling sabihin na napakasarap pala ng kalagayan nating mga Pinoy dahil malaya tayo. Demokrasya tayo! Pero dapat din nating isipin na ang responsibilidad ng pagiging demokrasya ay napakabigat din. Hindi laging masarap ang sobrang malaya. Marami ring suliranin na nakakabit sa pagiging malaya sa loob ng demokrasya.
Balikan natin ang haka-hakang karera ng takbuhan. Oo nga at hindi ka katulad ng mga katabi mo na hinahadlangan na gumalaw sa sariling lakas. Pero kailangan mo ring tanungin ang sarili mo--kung tatakbo man ako, alam ko ba kung saan dapat ang hahantungan ko?
Iyan ang pinakamabigat na responsibilidad ng mga mamamayan sa isang demokrasya. Sila mismo ang kailangang magtatag ng layunin ng kanilang gobyerno. Hindi kailangang manggaling sa gobyerno ang layuning ito. Ang kapangyarihan na magbuo ng obhetibo ng isang gobyernong demokrasya ay nangmumula sa mga mamamayan mismo.
Kung gobyerno ang nagtatatag ng pinakalayunin ng isang bansa, hindi na ito demokratiko. Ikaw ang tatakbo sa karera, ikaw din ang magsasabi kung saan ang "Finish Line" nito. Samakatwid, ang layunin ng Pilipinas ay dapat manggaling sa mga Pinoy. Hindi sa mga politiko. At iyan ang pinakamahirap na ipatupad na kapangyarihan sa isang demokrasya.
Mas madali kasi sa ating mga Pinoy na sumunod na lang sa utos ng iba. Mahilig tayong magsimba at sumamba sa relihiyon sapagkat may paniniwala tayo na kapag sumunod lang tayo sa utos ng relihiyon ay giginhawa ang buhay natin. Ang relihiyon na mismo ang nagsasabi sa atin kung ano ba talaga ang magandang buhay. Pero iba ang relihiyon sa demokrasya. Ang gobyernong demokrasya ay obligadong sumunod sa kagustuhan ng nakararami. Kung walang malinaw na layunin ang mga mamamayan, hindi din magkakaroon ng layunin ang gobyerno.
At napakahirap magtatag ng layunin para sa sarili. Mahirap akuin ang responsibilidad. Mas madali para sa tao na turuan kung saan ang daan, kesa sa siya mismo ang gagawa ng sariling daan. Para kang gumagawa ng sarili mong paniniwala tungkol sa relihiyon.
Kinuha Ang Litratong Ito Mula Sa http://www.sevrey.com/jed/Jedidiah/millers%20canyon/Jed%2520Miller%2520Canyon.htmlNakakatakot gumawa ng sariling layunin kasi maaari kang magkamali. At kapag nagkamali, kadalasan marami ang nadadamay. At sa kahuli-hulihan, wala kang pwedeng ibang sisihin kundi ang sarili mo. Ikaw at ikaw lamang ang may sala. Magkakaroon ka pa ba kaya ng motibasyon na muling magsimula sa umpisa at sumubok ulit? Totoong napakabigat ng responsibilidad ng pagtatag ng sariling layunin para sa isang buong bansa.
Pero ganito ang hinihingi ng isang tunay na demokrasya. Kung pag-aaralan ang kasaysayan ng bansang Amerika, maaaring sabihin na magagaling ang mga pinuno nila sa gobyerno simula pa nung 17th century hanggang ngayon sa kasalukuyan sapagkat sila ang pinaka makapangyarihang bansa sa buong mundo--at sila ay isang demokrasya. Oo, totoo ngang magagaling ang mga nagpatakbo ng gobyerno nila, pero ang layunin nilang maging pinakamakapangyarihang bansa ay nanggaling sa mga mamamayan nila. Ang mga Amerikano mismo ang nagnais na maabot ng bansa nila ang kinaluluklukan nila ngayon. Sumusunod lang sa kanila ang mga politiko nila.
Ngayon, ating isipin ang demokrasya natin sa Pilipinas. Bakit ba watak-watak ang mga politiko natin? Bakit ba parang hindi nila alam ang dapat na ipatupad para sa mga mamamayan? Bakit kaya hindi nila masabi kung ano ang magiging katayuan ng Pilipinas sa darating na panahon? Bakit iba ang gustong mangyari ng Luzon sa Mindanao?
Siguro kasi tayong mga Pinoy mismo ay magkakaiba din ang layunin. At kapag magkakaiba ang mga layunin natin para sa bansa, ang pagiging demokrasya din natin ang mapipilay. Ang mga Amerikano ang sumagot mismo sa tanong na "Ano nga ba ang layunin ng bansang Amerika?" Dapat tayong mga Pinoy din mismo ang sumagot sa tanong na "Para saan nga ba at ano ang patutunguhan ng bansang Pilipinas?"
Pag nagkapareho ang kasagutan ng karamihang Pinoy sa tanong na iyan, doon lamang siguro mababatid ng bawat Pinoy ang lubus-lubusang kapangyarihan ng isang demokrasya.
Kinuha Ang Litratong Ito Mula Sa http://www.adamdorman.com/preview.php?TableName=wallpapers&image=21Napakalaking responsibilidad ang pagiging demokrasya. At ang pinakamabigat na responsibilidad ay sa mga mamamayan mismo. Kailangang matapang ang mga mamamayan na gumawa ng desisyon at kumilos para sa desisyong iyon. Hindi naman masamang mag reklamo, basta parisan ito ng galaw.
Kaya ba ng mga Pinoy ang ganito kalaking responsibilidad? Na tayo mismo ang tumahak ng daan at layunin na patutunguhan natin? Eto ngang responsibilidad ko sa pinsan ko, hindi ko nagawa. Yun pa kayang magdala ng responsibilidad para sa isang bansa?
Siguro nga maganda talaga ang demokrasya. Kasi habang walang nakapiring sa mata, habang walang nakapulupot sa mga kamay at mga paa, hangga't kayang kumilos nang walang hadlang, may pag-asa. Huwag mong kakalimutan yan, 'insan. At sana pati tayong lahat ay hindi makalimot.
Sunday, December 13, 2009
Bakit Mahal Ko ang Pilipinas
Nandito ako ngayon sa Australia habang sinusulat ko ito.
Ang Australia ay kasapi ng G8—ang grupo ng walong pinakamaimpluwensyang bansa sa buong mundo. Bukod sa Australia, ang ibang mga bansang natatandaan kong kasama sa G8 ay ang United States, Great Britain, Japan, Germany, tsaka may iba pa na hindi ko na matandaan ngayon...Russia yata o France, o di kaya Canada. Malapit na yatang masali sa kanila ang People's Republic of China, kung hindi pa ito sumali na.
Ang mga bansang ito ay laging prominente sa Olympics, sa United Nations, sa balita sa radyo at telebisyon, at siyempre, sa komersiyo. Mayayaman ang mga bansang yan. Ang sabi nga ng karamihang Pinoy, kapag ikaw ay nakakuha ng trabaho sa alin mang mga bansang G8, at isa kang Permanent Resident o Citizen, napaka swerte mo na.
Samakatwid, kapag ang Pinoy ay nakapag trabaho dito sa Australia, at naging Permanent Resident o kaya Citizen dito, pinagpala siya.
Oo, nandito ako sa Australia habang sinusulat ko ito, pero hindi ko makalimutan ang Pilipinas.
Karamihan ng mga nakilala kong Pinoy dito sa Australia ay pamilyado na, at may dalawa o tatlong anak. Kahit ilan pa sa kanila ang nakakausap ko, halos iisa lang ang sinasabi nilang dahilan kaya sila lumuwas ng Pilipinas. Pumunta sila sa Australia at sumubok magsimula ng panibagong buhay dito para sa kanilang mga anak. Kasi kung sa Pilipinas daw palakihin ang mga anak, siguradong masama daw ang magiging kinabukasan ng mga ito. Kasi ang Pilipinas mismo ay hinding hindi na gaganda pa ang kalagayan sa mga darating na panahon. Sa madaling salita, ang mga bata sa Pilipinas ay walang maaasahang magandang buhay pag laki nila.
Alam nating lahat na hindi lang mga Pinoy sa Australia ang ganito mag isip. Karamihan din ng mga Pinoy sa ibang bansa, pareho ang dahilan ng pag-alis sa bayang tinubuan nila. Ang mga anak nila ay magiging Australiano paglaki. Kung hindi man Australiano, Amerikano. Canadian. Japanese. German. British. French. Hindi na Pinoy.
Ngayon naiisip ko, ilang milyong bata pa ba ang nabubuhay sa Pilipinas ngayon? Kung totoo ang sinasabi ng mga nakakausap kong Pinoy dito sa Australia, ibig sabihin nun ilang milyong tao din ang lalaki nang walang mararanasang magandang buhay. Ilang milyon siguro ang mababalitaan nating magugutom o kaya maghihirap hanggang 2050.
Ngayon, 2009 pa lang. Marami pang oras para itakas ang mga milyun-milyong Pinoy na bata habang maaga pa, para sa ibang bansa na sila magsipaglakihan. May 41 years pa tayo. Naiisip ko din tuloy, dapat ilipat ang milyun-milyon nilang mga anak na Pinoy sa mga G8 na bansa, para doon silang lahat lumaki at gumanda ang kinabukasan nila. Dapat siguro ganito ang pag planuhan ng susunod na Presidente ng Pilipinas, sinuman siya, pagkatapos niyang manalo sa eleksyon ngayon 2010.
Maraming Pinoy ang magugustuhan ang planong ganon. Kasi, aminin na natin, mas masarap isipin yun. Ano pa ba ang ibang alternatibo? Sino ba naman ang gustong baguhin ang Pilipinas ngayong 2009 pa lang para paglaki ng mga batang Pinoy sa darating na 2029 ay maka ranas man lang sila ng magandang buhay sa Pilipinas? Meron pa bang gana ang mga Pinoy diyan?
Tutal nga naman, simula pa nung 1521 hanggang 2009, ang Pilipinas ay nanatiling pangit ang kalagayan. Kulang – kulang mga 488 years din yung haba ng panahon na iyon. Kailan ba tayo napasama sa G8 sa loob ng 488 years? Makaka asa pa ba tayong mga Pinoy na ang Pilipinas ay mapapasama sa G8 sa susunod na 20, o di kaya 40 years?
Buti pa nga talaga, dalhin na natin ang mga batang Pinoy sa Pilipinas sa iba't ibang mga bansa habang maaga pa.
Kaya lang, marami ang magsasabi, siyempre, imposibleng mangyari yun. Malas na lang nung mga naiwan sa Pilipinas.
Bakit kaya maraming Pinoy sa ibang bansa ang nakapagsasabi pa rin na mahal nila ang Pilipinas? Di ba, dapat tanungin din sila na – kung mahal mo nga talaga ang Pilipinas, bro o sis, bakit ayaw ninyong lumaki ang mga anak niyo sa Pilipinas? At hindi na sila dalhin pa sa ibang bansa pwera na lang kung magiging turista lang sila? Kailangan ba talaga maging Filipino-American or Filipino-Canadian or Filipino-Australian ang mga anak ninyo? Hindi ba pwedeng tawagin na lang silang Filipino? Yung walang dash tsaka pangalan ng ibang bansa na katabi?
Habang sinusulat ko ito, nababalitaan ko dito sa Australia na marami na namang namatay sa Pilipinas. Sunod sunod kasi ang mga pangyayari. May mga malalakas na bagyong dumating kaya ilang daang Pinoy din ang namatay. May mga kriminal na pumatay ng 57 katao sa Maguindanao. May isang taga Basilan Island ang pinugutan ng ulo. May sinabugan ng baterya ng cellphone. Puro trahedya.
Bukod pa sa mga nababalitaang mga namamatay, marami pang bali-balita na ang mga krimen ay patuloy na dumadami at hindi na napipigilan. Maraming mga kriminal sa mga kalye at mga baryo. Mas marami pang kriminal na may mga posisyon sa gobyerno.
Patayan. Kalamidad. Krimen. Masamang gobyerno. Mahirap na buhay. Sino nga ba naman ang magpapalaki ng anak sa lugar na ganyan? At sino nga ba naman ang gustong manirahan sa ganyang lugar?
Habang dito sa Australia, naku, ang pinaka malalim lang yatang problema ng mga Pinoy dito ay kung saan mag pa park ng sasakyan kapag mag sha shopping sa mall. Dito sa Australia, ang mga Pilipino may mga bahay, marami silang pagkain, hindi sila kayod kabayo kapag nagtatrabaho, tsaka ang mga kagamitan nila sa bahay kumpleto – kasama na ang washing machine, microwave oven, tsaka computer.
Bakit mo iisipin pa ang Pilipinas kung ganito na ang kalagayan mo? Kailangan mo pa bang kumilos para sa Pilipinas kung nandito na nga't nasa isang G8 country ka na?
Kapag sinasabi kong gusto kong bumalik ng Pilipinas balang araw para gumawa ng paraan, kahit gaano pa kaliit, na makatulong akong pagandahin ang buhay ng mga Pilipino doon, maraming nagsasabi na pangarap lang ng siraulo yon. Kesa mag aksaya pa daw ako ng panahong mag isip kung paano matupad ang planong ganun, mas mabuti pa daw na isipin ko na lang kung paano magtaguyod ng sariling pamilya dito sa Australia. Tutal, single pa naman ako at wala pang anak. Bakit ba iniisip ko pang balikan ang Pilipinas?
Pero desidido pa rin akong bumalik sa Pilipinas balang araw. Aabutin siguro ng anim na taon mula ngayong 2009 bago ko magagawa yun, pero gusto kong bumalik sa bayan ko. Pag nakuha ko na ang Permanent Resident Visa ko dito – siguro pagdating ng 2015 o 2016 – nangako ako sa sarili ko na uuwi ako.
Kasi minamahal ko ang Pilipinas. At mabuti nang klaruhin ko kung bakit, kahit pa sabihing siraulo ako.
Ayaw kong isipin na wala nang pag-asa ang Pilipinas. Hindi ako madalas magsimba, at lalong hindi ako madalas magdasal. Masasabing hindi ako relihiyosong tao. Pero may isang alituntuning tinuturo ang relihiyon na pinaniniwalaan ko – ang palagiang pagbibigay ng pagkakataon para sa mga taong magbago ng buhay.
Halos lahat ng relihiyon, Kristiyano, Muslim, Budista, o anupaman, ay nagkakaisa sa paniniwalang hindi dapat itakwil ang kahit sinuman dahil sa kaniyang nakaraan. Nandiyan yung mga sagad sa butong adik na ilang taon ding sinayang ang mga oportunidad sa buhay – tinapon ang lahat ng pera para sa bisyo, natutong matulog sa kalye, natutong magnakaw, nakulong sa bilangguan...pero dahil binigyan siya ng pagkakataong magbagong buhay ay nagawa niya. At alam nating nangyayari ang ganito sa totoong buhay. Hindi lang isang beses. At hindi lang sa mga adik.
Alam ng halos lahat ang kwento tungkol kay Hesus at doon sa babaeng prostitute. Dahil sa kabaitan ni Hesus, imbes na hayaan na lang niyang batuhin ng mga taongbayan ang babae para parusahan ito sa pagiging prostitute, dinepensahan ni Hesus ang babae at hinimok niya itong talikuran ang nakaraan at magbagong buhay. Sa kabila ng di kanais-nais na nakaraan nung prostitute, naniwala pa rin si Hesus na kaya pa nitong ituwid ang sarili.
Kahit pa alisin ang relihiyon sa usapan, hindi pa rin natin maipagkakaila na malaki ang nagagawa ng positibong pag-udyok para magbago ang buhay ng isang tao. Sa personal kong karanasan, marami akong nasaksihang mga estudyante na nagsimulang "bobo", pero dahil patuloy siyang hinihimok ng isang mabait na teacher na pagbutihin ang pag-aaral ay unti-unting matututo itong mag tiyaga – at nagugulat na lang ang lahat nang mapansing tumaas na ang grado nito.
Importanteng hindi kalimutan ng mga Pinoy ang nakaraan ng Pilipinas, pero hindi nangangahulugang dahil sa nakaraang masalimuot ay hindi na magbabago ang Pilipinas. Kung tutuusin, ang Pilipinas ay pwedeng maihambing sa isang estudyante. At pwede din ihalintulad ang iba't ibang mga bansa ng mundo sa mga estudyante din. Ang komunidad ng mga bansa ay pwedeng isiping parang isang malaking classroom.
Sa classroom na ito, magka-kaklase sila Mr. Pilipinas, Mr. United States, Mr. China, Mr. Canada, at iba pa. Sa kasalukuyang panahon, may humigit-kumulang 155 ang mga bansa sa buong mundo. Samakatwid, sa ganitong classroom, may 155 na mga estudyante ( kunwari lang naman – patawad kung mali ang bilang ko sa dami ng mga bansa sa mundo ).
Alam natin kung sino ang "pinakamatatalino" at "tanyag" sa mga estudyanteng ito. Siyempre, sila yung "top 8" – na tinaguriang grupong "G8" sa totoong buhay. Sila ang mga estudyanteng magagaling sa science subject, sa economics subject, sa military studies, sa social studies, sa physical education...halos lahat ng mga aralin sila ang nangunguna.
Yung ibang mga kaklase ni Mr. Pilipinas, sinusubukang habulin ang naabot na ng top 8 na mga estudyanteng ito. Kabilang sa mga estudyanteng nagpupursigi para mapasali sa kanila ay sina Mr. South Korea, Mr. Malaysia, Mr. Singapore, Mr. India, Mr. Dubai, at iba pa. Para kasi sa mga estudyanteng katulad nila, pinagtiyatiyagaan nilang pantayan ang kakayahan ng mga estudyanteng pinakamagagaling. At siyempre, mas maganda yung ganun. Kasi, kung muli tayong babatay sa karanasan ng totoong buhay, mas maayos kasi ang kalagayan ng mga mamamayan ng isang bansa kapag "excellent" ang grado ng bansa.
Kumusta naman si Mr. Pilipinas sa classroom na ito? Nakakalungkot mang aminin, hindi kasama si Mr. Pilipinas sa mga pinakadalubhasang mga estudyante. Sa kasalukuyan, nandoon siya sa isang sulok ng classroom, walang sapatos, may mga butas ang uniporme, at kung hindi man nagmumukmok ay parang hindi nakikinig sa leksyon. Wala siyang kagana-ganang pataasin ang mga grado niya. Kuntento na siya na manahimik na lang sa loob ng classroom at pagmasdan ang nangyayari sa ibang mga katabing estudyante.
Panigurado lang marami tayong nakitang ganitong klaseng estudyante sa totoong mga karanasan natin. Tuwing makakita tayo ng ganitong estudyante, mabilis nating sabihin sa sarili natin na, "Yan ang batang walang pag-asang magkaroon ng magandang kinabukasan. Bakit hindi na lang siya tumulad doon sa mga kaklase niyang first honor o valedictorian na masipag sa pag-aaral? Paano uunlad ang isang estudyante kung wala siyang ibang ginagawa sa classroom kundi tumunganga?" Kaya ang iisipin tuloy natin, baka kasi yung estudyanteng ganun ay maraming bisyo, puro barkada ang inaatupag, walang hinangad na gawin kada araw kundi maghanap ng walang kwentang aktibidades na uubos ng oras.
Lahat tayong mga Pinoy mahilig sa magaling na estudyante, lalo na kung swertehin ka at naging magulang ka ng ganung klaseng anak. Pero kung tutuusin, ang buong bansang Pilipinas mismo ay kumikilos nang parang estudyanteng nakatunganga. Nakakapagtaka naman.
Mabuti na lang, hindi lahat ng estudyanteng pulpol o tatanga-tanga sa umpisa ay garantisadong mananatiling ganun buong buhay niya. Meron pa nga diyan, binubugbog halos araw-araw ng sariling tatay kaya nalulon sa bisyo at barkada kaya ilang taong nahirapan bilang estudyante. Pero, magugulat ka, tulungan lang siya ng mga taong taos-pusong nagnanais na paunlarin ang kalagayan niya – at magagawa nga ng estudyanteng ito ang magbago.
May nangyari na bang parang ganito sa classroom ng mga bansa na tinatalakay natin? Meron.
Si Mr. Japan, na kasalukuyan ay nasa top 8, ay may nakaraang masalimuot – at alam ng karamihan nating mga Pinoy iyon. Sino ba ang hindi nakakaalam na binomba ng dalawang atomic bomb ang Japan? Bukod pa doon, halos pinulbos ng Allied Forces ang buong bansa ng Japan bilang ganti sa mga karumal-dumal na mga kasalanan ng mga sundalong Hapon noong World War II.
Kumbaga sa estudyante, itong si Mr. Japan ay naging siga sa klase, pero biglang pinagkaisahan ng ibang mga kaklase niya at siya naman ang pinagbububugbog hanggang nagkabali-bali ang mga buto niya at umiiyak siyang nanghingi ng patawad. Kinawawa si Mr. Japan bilang estudyante, pero hindi rin siya makapagreklamo nang husto kasi siya rin ang may kasalanan eh.
Si Mr. Japan naging estudyanteng pulpol nung 1946, pagkatapos ng World War II. Pero pagkatapos ng 20 years, nakabangon na siya ulit. Ngayon siya ang pangalawang pinakamagaling sa estudyante sa classroom, sa ibaba lang ni Mr. United States. Hindi naging madali para kay Mr. Japan na maka rekober, pero nagawa niya.
Nakakuha naman ng inspirasyon sa kanya itong si Mr. South Korea, kaya eto naman si Mr. South Korea, napapansin nating sumusunod sa mga yapak ni Mr. Japan, at nagiging dalubhasang estudyante na rin.
Marami pang pagkakataon para maging mabuting estudyante si Mr. Pilipinas. Kahit gaano pa katagal ang nagdaang panahong naging isang delingkwenteng "estudyante" siya.
Hindi madali ang magiging proseso, pero pwede pa ring paunlarin ang Pilipinas. Pero kailangan maging katulad tayong mga Pinoy sa mga teacher na hindi tumitigil bigyan ng tulong ang isang estudyante.
Mahilig tayong mga Pinoy na magkwento sa atin-atin na ang mga kabataang Pinoy ay matatalino – na kapag pinag aral sila sa mga eskwelahan sa United States, sa Canada, sa Australia, sa kung saan-saan pa, kitang kita agad na sila ang masisipag mag-aral at tanyag sa kinaluluklukan nilang mga classroom. Hindi naman siguro malayong isipin na ang buong bansang Pilipinas ay magagawa ding maging kahanga-hanga tulad ng mga kabataang ganun.
Hindi ko nakikitang dadating ang panahong iyon sa loob ng isang taon o sampung taon. Maaaring umabot ng 20 years bago pa mangyari yun, gaya ng nangyari sa Japan. Baka mas matagal pa ang kailanganing panahon. Pero ang pinakaunang dapat mangyari ay mas dumami ang mga Pinoy na magmamahal sa sariling bayan, na maghangad na tulungan ito para maka takas sa kasalukuyang kalagayan.
Mahal na mahal ko ang Pilipinas kasi may kinabukasan pa ito. Hindi ko maatim na pabayaan ang Pilipinas habang patuloy na lumulubha pa lalo ang kalagayan nito. Ang mga Australiano mismo, ang mga Amerikano, mga Intsik, mga Canadian, mga Hapon – lahat ng mga mamamayan ng mga bansang G8 ay nagmamahal sa sarili nilang mga bansa. Ano ang dahilan ko para hindi gayahin ang ganung pag-iisip nila?
Para sa mga Australiano, nakakabawas ng dignidad ng kapwa Australiano kung hindi niya mamahalin ang Australia. Mababawasan ang dignidad ko bilang Pinoy kapag hindi ko mamahalin ang Pilipinas.
At sa karanasan ko, mas natutuwa ang mga Australiano sa akin kapag ipinakita ko ang pagmamahal ko sa bansang sinilangan ko. Kasi nagiging pareho kami ng pag-iisip. Kapag tinakwil ko ang bansa ko, palagay ko lalo pa akong pag-iisipan nang hindi maganda ng mga Australiano. Hindi sila komportable sa taong hindi nagmamahal sa sariling bansa.
Hindi kasi sila ganun.
Kaya gagawin ko talagang umuwi ng Pilipinas kapag maging angkop na ang panahon. Napagmasdan ko na mismo dito sa Australia kung paano galangin, mahalin, at pagandahin ng mga Australiano ang Australia. Nadagdagan na ang kaalaman ko kung paano ko gagawin ang mga ganun sa Pilipinas pagbalik ko.
Ang mga natututunan ko dito at ang ikauunlad ko dito ay ibabalik ko lahat sa Pilipinas. Kasi para saan pa ba at pumunta ako sa ibang bansa, kundi para maibahagi sa sariling bansa ang mga kaalaman ko?
Maiintindihan ng mga Australiano yun, kasi sila mismo ay ganun mag-isip. Kaya nga walang tigil silang gumagaya sa mga ginagawa sa US. Kasi para sa kanila, kahit pa G8 na ang Australia, walang tigil ang pagpursigi nila para mas lalo pang gumanda ang sarili nilang bansa.
Kaya ang pakiusap ko sa mga Pilipinong nasa mga bansang G8 ngayon, subukan ninyong ibalik sa Pilipinas ang mga biyaya ninyo. Ipahatid ninyo sa mga Pinoy sa Pilipinas ang mga paraan ng isang bansang G8 para maging isang magandang bansa, lalo pa't araw-araw na ninyong nararanasan ang mga yon.
Ano ba ang masama kung magulat na lang tayo isang araw at G8 na din pala ang Pilipinas?

Monday, November 16, 2009
The Ondoy Massacre ( God Help Us!!! )
( Note: I am in no way belittling or making a mockery of the tremendous pain and loss suffered by the people of my own hometown after the catastrophe wrought by Typhoon Ondoy. Many lives were taken away; many families lost their dwellings along with nearly all their property; little children, the elderly, and the sick got hurt; even some pets and animals were not spared a tragic end. I condole with every single person who lost someone they loved, I empathize with those who have to rebuild their lives from the heap and rubble of their shattered homes.
However, we Pinoys have always been famous for managing even just the slightest of smiles in the midst of the tempest and fury of many calamities. Our humour time and again sustains our hopes that yes -- even all of these, too, shall pass. It is not right for any of us to forget the dark, but let us also move with determination toward the light. )
Ni hindi akalain ng karamihang Pinoy na pwede palang mabugbog ang Metro Manila tulad ng pambubugbog ni Manny Pacquiao sa mga kinalaban niyang boksingero. Pero nangyari yun nung gumulantang ang bagyong si Ondoy. Biruin mo ba naman na pwede palang maging dagat ang lupang tinatayuan ng mga kabahayan at sangkatauhan. Ngayon alam na ng milyun milyon kung ano ang pakiramdam ng mga isda. Ang kaibahan lang, ang isda, hindi nalulunod.
Photo Taken From:
http://www.pinoygigs.com/blog/wp-content/uploads/2009/09/typhoon-ondoy-victims.jpg
Kung tutuusin, nakakatawa isipin na ang simpleng pag-ulan pala ay pwedeng maging mala-tsunami ang epekto. Ilan ba ang bagyong dumadaan sa Kamaynilaan kada taon? Ilang taon na bang binabagyo ang Manila? Kung nagkaroon pa ng sandstorm sa Saudi Arabia na parang Ondoy ang lawak eh di dapat nabaon na nang buo sa buhangin ang isang siyudad doon. Pero hindi pa naman nangyayari iyan kahit kailan sa Saudi Arabia. Parang sinabi mo na ring, naku, bagyo? Bakit ako mag aalala? Eh kada taon ilang bagyo ang humahampas sa Manila? Hindi ba't sanay na ako sa ganyan at Manilenyo ako?
Eh pero eto nga, may nangyaring sobrang kakaiba at kakatwa. Kumbaga, may pagka milagro. Nagsalita ang pipi. Lumakad ang lumpo. Ang taong may taning na ang buhay ay biglang nawalan ng kanser. Ang buong Kamaynilaan ay binaha sa antas na lampas tao sa loob ng tatlong oras na pag ulan. Wow, pare, hanep.
Pero hindi nakakatawa ang naging resulta. Ilang linggo na ba ang lumipas simula nung September 26 na iyan? Hanggang ngayon marami pa rin sa Maynila ang nagkukulang sa pagkain dahil sa bagyong Ondoy. Hanggang ngayon marami pa rin ang walang sariling bahay na matutulugan. Marami ang namatay.
Photo Taken From:
http://ohgracious.files.wordpress.com/2009/09/typhoon_ondoy.jpg
Bukod sa minalas tayong mga Manilenyo dahil may once-in-a-lifetime na perfect storm na dumating, malas din tayo na ang gobyernong humahawak sa atin ay may pagka inutil pagdating sa mga kalamidad. Isiping mabuti. Tatlong oras ang lumipas nung September 26 mismo nung unti-unting namamalayan ng mga tao na ang baha ay pataas nang pataas patungo sa level na halos hindi na kapani paniwala. Sa loob ng tatlong oras na iyon, dapat naman sana nagkaroon na ng emergency meeting ang National Disaster Coordinating Council at nag-talaga na sana sila ng mga bangka o mga sasakyan o di kaya kahit mga helicopter para maghanda sa pag likas ng mga maaaring ma stranded sa mga bahay.
Photo Taken From:
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiwgaSlJeOFeZYPj2fQziGw03ugN4gvkrR74podaZ_Kk2QWghjVEvA3rr31-aJBPB3V8ONUqWING7uqjz_MsJtxpdzpnT81XD6ydPo3gSVSLMVqKboFqFuB9qSZPvDhIJ-IILCNUZ13sRYZ/s400/typhoon+ondoy+picture.jpg
Ang tatlong oras ay mahabang panahon kung may magandang programa ang gobyerno para sa mga kalamidad. Oo nga, ang bagyong Ondoy ay once-in-a-lifetime, at hindi inaakalang magdudulot ng ganung pagbaha. Pero di ba, ang tsunami ay once-in-a-lifetime din? O di kaya lindol? Hindi ba't kung may matagal nang nakaplanong mga alituntunin ang National Disaster Coordinating Council para sa isang lindol o tsunami, eh di ba dapat maibabagay iyon bilang sagot sa pagtaas ng baha sa Kamaynilaan?
Pero yun na nga, wala kasing plano ang NDCC kahit sa isang malawakang lindol, tsunami, o kaya pagsabog ng bulkan. Wala naman talagang mga bangka o helicopter o mga malalakas na floodlight na naka standby at pwedeng gamitin sa isang pitik kung kinakailangan. Swerte talaga natin, ano?
Photo Taken From:
http://cache.daylife.com/imageserve/0ekP1qMg2G28E/610x.jpg
Buti pa kapag may eleksyon, nakahanda palagi ang mga kagamitan para sa pandaraya. Kahit sabihin pang bukas na bukas magkakaroon ng snap election at kanina lamang in-announce, asahan natin na mamayang alas dose ng hatinggabi naka handa na ang mga baril, mga sundalo, at mga pekeng balota, o di kaya mga computer, na pwedeng gamitin sa malawakang pandaraya. Siyempre, pag eleksyon, laging nakahanda ang mga nasa gobyerno. Kapag kalamidad, kahit siguro cellphone walang naka alay para diyan.
Kaya lang, ayon nga sa lumang kasabihan, ang pikon ay talo. Lumang istorya na nga naman ang mga usap-usapan tungkol sa pagka inutil ng gobyerno, kaya pwede ring gawin na isaisantabi muna ang mga ganyang diskusyon. Tutal, kahit gaano mo katagal iwanan ang topic na iyan, sigurado namang pag binalikan ay walang magbabago -- wala pa ring silbi ang gobyerno, di ba?
Mas makakatulong pa siguro kung maghanap na lang ng mga leksyon na naidulot ang Ondoy sa ating mga Pinoy. Ayon nga sa isa pang lumang kasabihan, kung madapa man, bumangon -- at huwag nang ulitin ang ginawang katangahan.
Hindi naman natin maipagkakaila na ang bagyo ay bagyo at pwede itong maulit. Ang tao naman ay tao -- yun nga lang, ang tao pwedeng magbago ng kilos sa madaliang panahon, di tulad ng bagyo. Mahirap kontrolin ang bagyo. Ang sariling kilos, mas madaling baguhin. Mas madaling malaman kung paano magbabago kapag ang mga aral ng karanasan natin kay Ondoy ay eksaminin nang mabuti.
Photo Taken From:
http://8.media.tumblr.com/tumblr_kqn17uJ00r1qzjgnio1_500.jpg
At isa sa mga aral ng Ondoy ay ang pag bukas ng mga mata natin sa tunay na kalidad ng iba't ibang mga tao sa Maynila. May isa pang lumang kasabihan na pwedeng i-apply dito: Sa masamang panahon mo lamang malalaman kung sino sa mga kaibigan mo ang tunay na kaibigan. Tutal, pag nakangiti nga naman lahat, nandiyan ang pagkarami raming tao na lumalapit sa iyo. Kapag dumating na ang di kanais nais na pangyayari, ayun, nagsisitakbuhan ang karamihan -- at yung natitira lamang ang masasabi mong taos-pusong nakikiramay at sumusuporta sa iyo.
Halatang-halata na ngayon na hindi friend ng mga Manilenyo ang gobyerno. Hindi ba't tayong mga Manilenyo ay mahilig sa friends? Hindi ba't sikat sa atin ang Friendster.com? Ano ba ang inaasahan mo sa isang friend? Di ba't yung tutulungan ka kapag kailangan mo siya? Nasaan ang tulong ng gobyerno noong tumaas na ang baha at nawalan na ng kuryente, maiinom na tubig, pagkain, at maayos na tulugan ang mga Pinoy sa Maynila? Wala sila. Nandoon sila sa malayo, nagmi-meeting at nagpapasikat sa camera. Kung may Friendster man ang gobyerno, panigurado ngayon naubos na ang mga ka-Friend nilang iba kasi pinag di-delete na sila as friend.
Photo Taken From:
http://murmursonthestreet.files.wordpress.com/2009/09/gilbert-teodoro.jpg
Sino ang naging friends na tunay ng mga taga Maynila noong sumapit na ang kinagabihan ng September 26? Mga simpleng mamamayan. Yung kapitbahay na pinatuloy ang ibang pamilya sa second floor o third floor ng bahay nila para mailikas ang mga matatanda, mga bata, mga buntis, at may sakit. Yung mga magka-kapitbahay na nagtulung tulungan para magsalbar ng mga kagamitan sa bahay ng iba. Yung mga magka-kapitbahay na gumawa ng mga bangka para makatawid ang mas maraming tao sa pampang ng mga ilog.
Maraming nagsasabi na ang mga tao sa Maynila ay kadalasang mga balasubas at walang pakialam sa kapwa. Ngayon masasabi natin na hindi naman lahat ng Manilenyo ay ganoon. Marami pa rin ang maaasahan, kahit pa dati ay hindi sila mga friend.
Photo Taken From:
http://www.devjobsmail.com/main/com/disaster-photos/ondoy-page1.jpg
Marami ring mga friend na bumbero, sundalo, pulis, nurse, doktor, construction worker, call center agent, o kung sinu-sino pa man. Mga simpleng tao lang sila. Kadalasan ay hindi sila sikat, hindi sila araw-araw nakikita sa tv, wala silang mga magagarang kotse o kaya mga magagandang cellphone. Pero pinusta nila ang buhay nila at nag alay sila ng panahon para sa ibang tao na hindi nila masyadong kakilala. Sila ang tunay na friend.
Photo Taken From:
http://cache.daylife.com/imageserve/01S838E4BqfCD/610x.jpg
Photo Taken From:
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhJfhyphenhyphenySnS4bbo4HAAvURNgsdOSiwu-I6IfRoFe9BCrxoAs_OjlYkLBakDDC74QICgfmlkQKXhYOeE89hZAdCpPLSW4ceflErRqjYThqvVJR-zLdnzubdlzqaLTB-mhodY7UplkJAXapz8/s400/rescue+operations+of+police+typhoon+ondoy.jpg
Photo Taken From:
http://z.hubpages.com/u/1828829_f260.jpg
Lumilitaw na ang pinakamahalagang pagkilos sa mga ganitong trahedya at kalamidad ay hindi agad manggagaling sa mga malalaking institusyon, kundi sa mga simpleng mamamayan. Kaya kung sinasabi mong ikaw ay simpleng trabahador o mamamayan o estudyante lamang, isipin mo rin na kapag umulit na naman ang isang Ondoy, ikaw po ang pinakamadaling pagkakautangan ng buhay ng mga nasa paligid mo. Kung nagawa mo man lang yun, matuwa ka. Mas magaling ka pa at mas maaasahan kumpara sa gobyerno. Saludo kami sa iyo, friend.
Kung lahat lang ng mga magkakapitbahay sa Maynila ay ganyan mag-isip, siguro mas kakaunti ang chances na marami ang muling babawian ng buhay kapag may kalamidad mang dumating.
Lalo pang gaganda sana ang naging mga pangyayari at mga balita kung ganyan din mag-isip ang mga malalaking institusyon. At pagkarami-raming institusyon sa Maynila. Eh di sana ganito ang naging mga balita sa dyaryo, tv, radyo, at internet:
" Paghinto na paghinto pa lang ng ulan nung kinagabihan ng September 26, agad na rumatsada ang mga bangka ng Philippine Navy, Philippine Army, at mga helicopter ng Philippine Airforce upang suyurin ang mga kabahayan at maghanap ng mga istranded. Gumamit sila ng malalakas na mga ilaw para mapadali ang paghahanap nila. Marami silang pinulot na mga biktimang basang basa, walang mainom o makain, o di kaya ay may sakit, at agaran nilang dinala sa mga malalakihang ospital tulad ng St. Luke's, Medical City, Makati Medical Center, mga Army Hospitals, at kahit sa Malakanyang. Tinulungan din ng mga pulis at mga opisyal ng barangay ang mga sundalo at bumbero sa pangongolekta ng mga biktima.
" Kinabukasan naman, September 27, sa unang pag litaw ng araw, nag tipon tipon na ang mga pari, mga pastor, at mga iba pang kawani ng mga simbahan upang mag organisa ng mga food relief operations. Binuksan ang lahat ng mga private Catholic schools at mga university para sa mga evacuee, at kasama na rin dito ay nag alay ng libreng mga pagkain sa mga canteen ng bawa't isa. Hindi naman nagpahuli ang mga doktor at nurse, dahil kahit pa walang tulog ay inasikaso nila agad ang lahat ng may sakit o kaya naman ang mga nabalian ang buto dahil sa mga aksidenteng napala sa pagtakas sa mataas na baha.
" May iilan ilan namang mga matataas na gusali sa Ayala at sa Ortigas ang inalay para sa pagkupkop ng iba pang mga nasalanta. Ito daw ang kontribusyon ng private enterprises para sa pagsalbar ng mga nasalanta, hindi malayo sa ginawa ng ibang mga magkakapitbahay na nang-imbita sa mga katabing pamilya nila upang makisukob sa mga kabahayan nilang matataas.
" Ang Presidente mismo ay rumonda sakay ng isang helicopter upang masinsinang suyurin ang mga pangyayari, at upang i-coordinate ang mga paglikas. Paulit-ulit niyang sinigurado na ang mga utusan niya sa National Disaster Coordinating Council ay ginagawa ang trabaho nila -- yun na nga, ang pag coordinate ng mga efforts ng Church, Private Businesses, mga Ospital, at mga simpleng mamamayan, upang ang bawa't pagkilos ay nakakatulong sa isa't isa, at hindi kalat-kalat at walang direksyon. "
Kaya lang hindi naman ganun ang nangyari eh. Yung reporter kasi, durog sa pinagbabawal na gamot. Kung tutuusin, ito ang katuloy ng pag re report niya.
" Ito po ang inyong abang lingkod, si Jose Rizal, nag rereport mula sa tuktok ng isang tower sa gitna ng piyer, nagsasabing, Mabuhay kayong lahat. Oo nga pala, mga dalawang linggo bago sumapit ang bagyong Ondoy, nagkaroon ng kanya-kanyang malakihang selebrasyon ang dalawang malalaking simbahan sa Pilipinas. Nauna ang anibersaryo ng Iglesia ni Kristo, at sumunod naman ang anibersaryo ng El Shaddai.
" Mangyari lang po na kung kasing banal sana ni Noah ang mga pinuno ng mga simbahang ito, eh di dapat sinabi na sa kanila ng Diyos na may darating na malaking baha na kikitil ng maraming buhay sa Maynila. Mabuting oportunidad sana iyon upang ipahiwatig ng Diyos ang mensaheng ganoon, lalo pa't maikakalat agad ng mga propeta ng dalawang simbahang iyon ang balita sa milyon-milyon nilang mga tagasunod. Sa nangyari ay mukhang walang balak na magsalita ang Diyos sa kanila, o kung hindi man ay may sinabi ang Diyos sa kanila pero hindi nila ipinasa sa mga audience nila.
" Sorry po, pero mukhang hindi friend ang Diyos ng mga Manilenyo. Hanggang dito na lang po at sa uulitin."
Sabay talon siya sa tower. Di ba?
Photo Taken From:
http://byezekiel.files.wordpress.com/2009/10/typoon-ondoy.jpg
Ngayon, natapos na ang bagyo, at sinusubukan muling maging normal ng Maynila. Bumabangon na ang mga Manilenyo. Pero huwag ka, dapat hindi mo kalimutang isipin na baka magkaroon ulit ng pagkakataon upang makita ang tunay na kulay ng mga kapitbahay mo, at ng mga institusyon na pumapaligid sa iyo, kaibigang Manilenyo. At dapat din siguro tanungin mo ang sarili mo -- ako ba talaga ay maaasahang friend? Dahil yun ang kailangan ng mga Manilenyo. Ang kumalat ang lahi ng mga mabubuting friend.
Photo Taken From:
http://s3.amazonaws.com/static.eyeblend.tv/media/gcpic-33067/jpg/640x465
The Ondoy Massacre, September 26, 2009 -- kumbaga, kung may Katrina sa States, hindi tayo pahuhuli diyan dito sa Manila. Gunitain natin ito, at sumumpa tayong magiging friends na tayo sa susunod, upang walang mabiktima pang muli. Huwag nang parating umasa sa gobyerno o sa kung anumang institusyon.
Umaasa ang marami sa iyo at sa akin, friend.
However, we Pinoys have always been famous for managing even just the slightest of smiles in the midst of the tempest and fury of many calamities. Our humour time and again sustains our hopes that yes -- even all of these, too, shall pass. It is not right for any of us to forget the dark, but let us also move with determination toward the light. )
Ni hindi akalain ng karamihang Pinoy na pwede palang mabugbog ang Metro Manila tulad ng pambubugbog ni Manny Pacquiao sa mga kinalaban niyang boksingero. Pero nangyari yun nung gumulantang ang bagyong si Ondoy. Biruin mo ba naman na pwede palang maging dagat ang lupang tinatayuan ng mga kabahayan at sangkatauhan. Ngayon alam na ng milyun milyon kung ano ang pakiramdam ng mga isda. Ang kaibahan lang, ang isda, hindi nalulunod.
Photo Taken From:http://www.pinoygigs.com/blog/wp-content/uploads/2009/09/typhoon-ondoy-victims.jpg
Kung tutuusin, nakakatawa isipin na ang simpleng pag-ulan pala ay pwedeng maging mala-tsunami ang epekto. Ilan ba ang bagyong dumadaan sa Kamaynilaan kada taon? Ilang taon na bang binabagyo ang Manila? Kung nagkaroon pa ng sandstorm sa Saudi Arabia na parang Ondoy ang lawak eh di dapat nabaon na nang buo sa buhangin ang isang siyudad doon. Pero hindi pa naman nangyayari iyan kahit kailan sa Saudi Arabia. Parang sinabi mo na ring, naku, bagyo? Bakit ako mag aalala? Eh kada taon ilang bagyo ang humahampas sa Manila? Hindi ba't sanay na ako sa ganyan at Manilenyo ako?
Eh pero eto nga, may nangyaring sobrang kakaiba at kakatwa. Kumbaga, may pagka milagro. Nagsalita ang pipi. Lumakad ang lumpo. Ang taong may taning na ang buhay ay biglang nawalan ng kanser. Ang buong Kamaynilaan ay binaha sa antas na lampas tao sa loob ng tatlong oras na pag ulan. Wow, pare, hanep.
Pero hindi nakakatawa ang naging resulta. Ilang linggo na ba ang lumipas simula nung September 26 na iyan? Hanggang ngayon marami pa rin sa Maynila ang nagkukulang sa pagkain dahil sa bagyong Ondoy. Hanggang ngayon marami pa rin ang walang sariling bahay na matutulugan. Marami ang namatay.
Photo Taken From:http://ohgracious.files.wordpress.com/2009/09/typhoon_ondoy.jpg
Bukod sa minalas tayong mga Manilenyo dahil may once-in-a-lifetime na perfect storm na dumating, malas din tayo na ang gobyernong humahawak sa atin ay may pagka inutil pagdating sa mga kalamidad. Isiping mabuti. Tatlong oras ang lumipas nung September 26 mismo nung unti-unting namamalayan ng mga tao na ang baha ay pataas nang pataas patungo sa level na halos hindi na kapani paniwala. Sa loob ng tatlong oras na iyon, dapat naman sana nagkaroon na ng emergency meeting ang National Disaster Coordinating Council at nag-talaga na sana sila ng mga bangka o mga sasakyan o di kaya kahit mga helicopter para maghanda sa pag likas ng mga maaaring ma stranded sa mga bahay.
Photo Taken From:https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiwgaSlJeOFeZYPj2fQziGw03ugN4gvkrR74podaZ_Kk2QWghjVEvA3rr31-aJBPB3V8ONUqWING7uqjz_MsJtxpdzpnT81XD6ydPo3gSVSLMVqKboFqFuB9qSZPvDhIJ-IILCNUZ13sRYZ/s400/typhoon+ondoy+picture.jpg
Ang tatlong oras ay mahabang panahon kung may magandang programa ang gobyerno para sa mga kalamidad. Oo nga, ang bagyong Ondoy ay once-in-a-lifetime, at hindi inaakalang magdudulot ng ganung pagbaha. Pero di ba, ang tsunami ay once-in-a-lifetime din? O di kaya lindol? Hindi ba't kung may matagal nang nakaplanong mga alituntunin ang National Disaster Coordinating Council para sa isang lindol o tsunami, eh di ba dapat maibabagay iyon bilang sagot sa pagtaas ng baha sa Kamaynilaan?
Pero yun na nga, wala kasing plano ang NDCC kahit sa isang malawakang lindol, tsunami, o kaya pagsabog ng bulkan. Wala naman talagang mga bangka o helicopter o mga malalakas na floodlight na naka standby at pwedeng gamitin sa isang pitik kung kinakailangan. Swerte talaga natin, ano?
Photo Taken From:http://cache.daylife.com/imageserve/0ekP1qMg2G28E/610x.jpg
Buti pa kapag may eleksyon, nakahanda palagi ang mga kagamitan para sa pandaraya. Kahit sabihin pang bukas na bukas magkakaroon ng snap election at kanina lamang in-announce, asahan natin na mamayang alas dose ng hatinggabi naka handa na ang mga baril, mga sundalo, at mga pekeng balota, o di kaya mga computer, na pwedeng gamitin sa malawakang pandaraya. Siyempre, pag eleksyon, laging nakahanda ang mga nasa gobyerno. Kapag kalamidad, kahit siguro cellphone walang naka alay para diyan.
Kaya lang, ayon nga sa lumang kasabihan, ang pikon ay talo. Lumang istorya na nga naman ang mga usap-usapan tungkol sa pagka inutil ng gobyerno, kaya pwede ring gawin na isaisantabi muna ang mga ganyang diskusyon. Tutal, kahit gaano mo katagal iwanan ang topic na iyan, sigurado namang pag binalikan ay walang magbabago -- wala pa ring silbi ang gobyerno, di ba?
Mas makakatulong pa siguro kung maghanap na lang ng mga leksyon na naidulot ang Ondoy sa ating mga Pinoy. Ayon nga sa isa pang lumang kasabihan, kung madapa man, bumangon -- at huwag nang ulitin ang ginawang katangahan.
Hindi naman natin maipagkakaila na ang bagyo ay bagyo at pwede itong maulit. Ang tao naman ay tao -- yun nga lang, ang tao pwedeng magbago ng kilos sa madaliang panahon, di tulad ng bagyo. Mahirap kontrolin ang bagyo. Ang sariling kilos, mas madaling baguhin. Mas madaling malaman kung paano magbabago kapag ang mga aral ng karanasan natin kay Ondoy ay eksaminin nang mabuti.
Photo Taken From:http://8.media.tumblr.com/tumblr_kqn17uJ00r1qzjgnio1_500.jpg
At isa sa mga aral ng Ondoy ay ang pag bukas ng mga mata natin sa tunay na kalidad ng iba't ibang mga tao sa Maynila. May isa pang lumang kasabihan na pwedeng i-apply dito: Sa masamang panahon mo lamang malalaman kung sino sa mga kaibigan mo ang tunay na kaibigan. Tutal, pag nakangiti nga naman lahat, nandiyan ang pagkarami raming tao na lumalapit sa iyo. Kapag dumating na ang di kanais nais na pangyayari, ayun, nagsisitakbuhan ang karamihan -- at yung natitira lamang ang masasabi mong taos-pusong nakikiramay at sumusuporta sa iyo.
Halatang-halata na ngayon na hindi friend ng mga Manilenyo ang gobyerno. Hindi ba't tayong mga Manilenyo ay mahilig sa friends? Hindi ba't sikat sa atin ang Friendster.com? Ano ba ang inaasahan mo sa isang friend? Di ba't yung tutulungan ka kapag kailangan mo siya? Nasaan ang tulong ng gobyerno noong tumaas na ang baha at nawalan na ng kuryente, maiinom na tubig, pagkain, at maayos na tulugan ang mga Pinoy sa Maynila? Wala sila. Nandoon sila sa malayo, nagmi-meeting at nagpapasikat sa camera. Kung may Friendster man ang gobyerno, panigurado ngayon naubos na ang mga ka-Friend nilang iba kasi pinag di-delete na sila as friend.
Photo Taken From:http://murmursonthestreet.files.wordpress.com/2009/09/gilbert-teodoro.jpg
Sino ang naging friends na tunay ng mga taga Maynila noong sumapit na ang kinagabihan ng September 26? Mga simpleng mamamayan. Yung kapitbahay na pinatuloy ang ibang pamilya sa second floor o third floor ng bahay nila para mailikas ang mga matatanda, mga bata, mga buntis, at may sakit. Yung mga magka-kapitbahay na nagtulung tulungan para magsalbar ng mga kagamitan sa bahay ng iba. Yung mga magka-kapitbahay na gumawa ng mga bangka para makatawid ang mas maraming tao sa pampang ng mga ilog.
Maraming nagsasabi na ang mga tao sa Maynila ay kadalasang mga balasubas at walang pakialam sa kapwa. Ngayon masasabi natin na hindi naman lahat ng Manilenyo ay ganoon. Marami pa rin ang maaasahan, kahit pa dati ay hindi sila mga friend.
Photo Taken From:http://www.devjobsmail.com/main/com/disaster-photos/ondoy-page1.jpg
Marami ring mga friend na bumbero, sundalo, pulis, nurse, doktor, construction worker, call center agent, o kung sinu-sino pa man. Mga simpleng tao lang sila. Kadalasan ay hindi sila sikat, hindi sila araw-araw nakikita sa tv, wala silang mga magagarang kotse o kaya mga magagandang cellphone. Pero pinusta nila ang buhay nila at nag alay sila ng panahon para sa ibang tao na hindi nila masyadong kakilala. Sila ang tunay na friend.
Photo Taken From:http://cache.daylife.com/imageserve/01S838E4BqfCD/610x.jpg
Photo Taken From:https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhJfhyphenhyphenySnS4bbo4HAAvURNgsdOSiwu-I6IfRoFe9BCrxoAs_OjlYkLBakDDC74QICgfmlkQKXhYOeE89hZAdCpPLSW4ceflErRqjYThqvVJR-zLdnzubdlzqaLTB-mhodY7UplkJAXapz8/s400/rescue+operations+of+police+typhoon+ondoy.jpg
Photo Taken From:http://z.hubpages.com/u/1828829_f260.jpg
Lumilitaw na ang pinakamahalagang pagkilos sa mga ganitong trahedya at kalamidad ay hindi agad manggagaling sa mga malalaking institusyon, kundi sa mga simpleng mamamayan. Kaya kung sinasabi mong ikaw ay simpleng trabahador o mamamayan o estudyante lamang, isipin mo rin na kapag umulit na naman ang isang Ondoy, ikaw po ang pinakamadaling pagkakautangan ng buhay ng mga nasa paligid mo. Kung nagawa mo man lang yun, matuwa ka. Mas magaling ka pa at mas maaasahan kumpara sa gobyerno. Saludo kami sa iyo, friend.
Kung lahat lang ng mga magkakapitbahay sa Maynila ay ganyan mag-isip, siguro mas kakaunti ang chances na marami ang muling babawian ng buhay kapag may kalamidad mang dumating.
Lalo pang gaganda sana ang naging mga pangyayari at mga balita kung ganyan din mag-isip ang mga malalaking institusyon. At pagkarami-raming institusyon sa Maynila. Eh di sana ganito ang naging mga balita sa dyaryo, tv, radyo, at internet:
" Paghinto na paghinto pa lang ng ulan nung kinagabihan ng September 26, agad na rumatsada ang mga bangka ng Philippine Navy, Philippine Army, at mga helicopter ng Philippine Airforce upang suyurin ang mga kabahayan at maghanap ng mga istranded. Gumamit sila ng malalakas na mga ilaw para mapadali ang paghahanap nila. Marami silang pinulot na mga biktimang basang basa, walang mainom o makain, o di kaya ay may sakit, at agaran nilang dinala sa mga malalakihang ospital tulad ng St. Luke's, Medical City, Makati Medical Center, mga Army Hospitals, at kahit sa Malakanyang. Tinulungan din ng mga pulis at mga opisyal ng barangay ang mga sundalo at bumbero sa pangongolekta ng mga biktima.
" Kinabukasan naman, September 27, sa unang pag litaw ng araw, nag tipon tipon na ang mga pari, mga pastor, at mga iba pang kawani ng mga simbahan upang mag organisa ng mga food relief operations. Binuksan ang lahat ng mga private Catholic schools at mga university para sa mga evacuee, at kasama na rin dito ay nag alay ng libreng mga pagkain sa mga canteen ng bawa't isa. Hindi naman nagpahuli ang mga doktor at nurse, dahil kahit pa walang tulog ay inasikaso nila agad ang lahat ng may sakit o kaya naman ang mga nabalian ang buto dahil sa mga aksidenteng napala sa pagtakas sa mataas na baha.
" May iilan ilan namang mga matataas na gusali sa Ayala at sa Ortigas ang inalay para sa pagkupkop ng iba pang mga nasalanta. Ito daw ang kontribusyon ng private enterprises para sa pagsalbar ng mga nasalanta, hindi malayo sa ginawa ng ibang mga magkakapitbahay na nang-imbita sa mga katabing pamilya nila upang makisukob sa mga kabahayan nilang matataas.
" Ang Presidente mismo ay rumonda sakay ng isang helicopter upang masinsinang suyurin ang mga pangyayari, at upang i-coordinate ang mga paglikas. Paulit-ulit niyang sinigurado na ang mga utusan niya sa National Disaster Coordinating Council ay ginagawa ang trabaho nila -- yun na nga, ang pag coordinate ng mga efforts ng Church, Private Businesses, mga Ospital, at mga simpleng mamamayan, upang ang bawa't pagkilos ay nakakatulong sa isa't isa, at hindi kalat-kalat at walang direksyon. "
Kaya lang hindi naman ganun ang nangyari eh. Yung reporter kasi, durog sa pinagbabawal na gamot. Kung tutuusin, ito ang katuloy ng pag re report niya.
" Ito po ang inyong abang lingkod, si Jose Rizal, nag rereport mula sa tuktok ng isang tower sa gitna ng piyer, nagsasabing, Mabuhay kayong lahat. Oo nga pala, mga dalawang linggo bago sumapit ang bagyong Ondoy, nagkaroon ng kanya-kanyang malakihang selebrasyon ang dalawang malalaking simbahan sa Pilipinas. Nauna ang anibersaryo ng Iglesia ni Kristo, at sumunod naman ang anibersaryo ng El Shaddai.
" Mangyari lang po na kung kasing banal sana ni Noah ang mga pinuno ng mga simbahang ito, eh di dapat sinabi na sa kanila ng Diyos na may darating na malaking baha na kikitil ng maraming buhay sa Maynila. Mabuting oportunidad sana iyon upang ipahiwatig ng Diyos ang mensaheng ganoon, lalo pa't maikakalat agad ng mga propeta ng dalawang simbahang iyon ang balita sa milyon-milyon nilang mga tagasunod. Sa nangyari ay mukhang walang balak na magsalita ang Diyos sa kanila, o kung hindi man ay may sinabi ang Diyos sa kanila pero hindi nila ipinasa sa mga audience nila.
" Sorry po, pero mukhang hindi friend ang Diyos ng mga Manilenyo. Hanggang dito na lang po at sa uulitin."
Sabay talon siya sa tower. Di ba?
Photo Taken From:http://byezekiel.files.wordpress.com/2009/10/typoon-ondoy.jpg
Ngayon, natapos na ang bagyo, at sinusubukan muling maging normal ng Maynila. Bumabangon na ang mga Manilenyo. Pero huwag ka, dapat hindi mo kalimutang isipin na baka magkaroon ulit ng pagkakataon upang makita ang tunay na kulay ng mga kapitbahay mo, at ng mga institusyon na pumapaligid sa iyo, kaibigang Manilenyo. At dapat din siguro tanungin mo ang sarili mo -- ako ba talaga ay maaasahang friend? Dahil yun ang kailangan ng mga Manilenyo. Ang kumalat ang lahi ng mga mabubuting friend.
http://s3.amazonaws.com/static.eyeblend.tv/media/gcpic-33067/jpg/640x465
The Ondoy Massacre, September 26, 2009 -- kumbaga, kung may Katrina sa States, hindi tayo pahuhuli diyan dito sa Manila. Gunitain natin ito, at sumumpa tayong magiging friends na tayo sa susunod, upang walang mabiktima pang muli. Huwag nang parating umasa sa gobyerno o sa kung anumang institusyon.
Umaasa ang marami sa iyo at sa akin, friend.
Subscribe to:
Comments (Atom)